13

156 16 0
                                    

ZAMARA'S POV

"Umayos ka nga!"

"Teka kasi!"

"P*tcha naman! Kapag 'yan nagising malilintikan ka sa akin!"

Naalimpungatan ako na parang may nag aaway sa loob ng kwarto ko. Tumagilid ako ng higa at niyakap ang unan ko.

"Tignan mo! Tignan mo!"

"Ikaw ang maingay Zavier!!"

Napatakip ako sa tenga nang nagsisigawan na sila. Minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin sina Lucas at kuya.

Malapit sila sa paanan ko. Si kuya may hawak ng walis tambo na akmang ihahampas kay Lucas habang si Lucas mag hawak ng dustpan at naka taas ang dalawang kamay na parang iilagan ang hampas ni kuya.

"Hoy! Bakit ba ang iingay n'yo?! Kita n'yong natutulog 'yong tao!" Inis kong sigaw sa kanila at umupo sa kama.

"Pasensya na po senyorita. Sorry ha? Nililinis lang kasi namin 'tong kwarto mo. Hiyang-hiya kami sa'yo e." Wow parang utang na loob ko pa 'yon kuya ha?

"Anong kayo? Ikaw lang! Hinatak-hatak mo pa ako rito." Reklamo ni Lucas at lumabas ng kwarto.

Ang init ng ulo ni Lucas ha? Isang himala ata 'yon.

"Hindi ko naman sinabi sa'yo kuya na linisin mo 'tong kwarto ko." Mahinahon kong sabi sa kan'ya.

Hindi n'ya ako kinibo at nagpatuloy lang s'ya nagwalis. Tinignan ko ang bawat kilos ni kuya. Akala n'ya naman may mawawalis s'ya. Tuwing papasok ako ng kwarto nagwawalis talaga ako.

"Wala kang mawawalis d'yan kuya. Pinapagod mo lang sarili mo." Tumayo ako at nagtungo sa cr para mag toothbrush at maghilamos.

Nang matapos na ako kinuha ko ang towel na naka hanger sa likod ng pintuan ng cr para ipunas sa mukha ko. Paglabas nang palabas ko nakita ko si kuya na naka upo sa dulo ng kama ko. Napatingin s'ya sa akin at sinenyasan ako na tumabi sa kan'ya.

"Bakit?" Kapag ganito si kuya gusto ko na magpalamon sa lupa. Hindi ko alam kung galit ba s'ya o papagalitan ako.

"We should talk about Blake." Kumunot noo akong nagpupunas ng mukha ko sa biglaang tanong ni kuya.

"What's wrong with him?" I asked my kuya. Umiling siya at tumingin sa akin.

"Sorry if I've been overprotective to you these past few days. I just want to protect you. But now I know who Blake really is. Kampante na ako kung sino ang boyfriend mo." Ngumiti sa akin si kuya at nilagay ang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Susuportahan kita, kami ni mama." Niyakap ko sa bewang si kuya st nararamdaman kong niyakap n'ya rin ako.

Swerte ako na may kuya akong katulad n'ya.

"Pero kuya hindi ko talaga boyfriend 'yon!" Pinitik ni kuya ang noo ko dahil sa sinabi ko.

May masama ba sa nagsasabi ng totoo?! Tignan mo to si kuya kanina lang ang lambing ngayon sinapian na naman ng masamang espiritu.

"Hoy Zamara! Pumapayag na ako tapos hindi mo boyfriend?! Pinagloloko mo ba ako?!" Nginitian ko siya ng nakakainis.

Pero totoo kasi hindi ko naman talaga boyfriend si Blake. Nawala ang ngiti ko nang biglang nag flashback sa akin lahat. Yung kiss. Potch*! Hindi ko boyfriend pero hinayaan kong halikan n'ya ako?! Argh!

"Gutom lang 'yan Zamara tulala ka na naman. Bumaba ka na anong oras na 1:30 pm na tanghali ka nagising!" Sermon ni kuya at lumabas ng kwartong hawak-hawak ang dustpan at walis tambo.

Hindi talaga kaya ni kuya na maging malambing nang sobrang tagal. Magpapalipat agad ng anyo.

Hinanger ko muna ang towel na hawak ko at bumaba. Pagkababa nang pagkababa ko may naririnig akong boses bata na tumatawa mula sa kusina. May bisita? Sino naman kaya 'yon?? Pagdating ko sa kusina naabutan ko si Lucas na karga si Noah habang si Blake tinutulungan si mama maghain ng pagkain.

Ano na naman ginagawa ng kutong lupa na 'to? Sisipsip na naman ba s'ya kay mama? Para dagdag points?

"Wag mong titigan ng gan'yan si Blake parang hinuhubad mo na." Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko pag tingin ko si kuya.

Kahit kailan talaga, hindi ko siya pinansin at umupo na lang. Tumabi naman sa'kin si kuya.

"Hoy Lucas tigilan mo na 'yang paslit na 'yan." Sermon ni kuya kay Lucas. Tumabi sa'kin si Lucas habang kandong si Noah.

"Good afternoon po ate! How's your sleep po? Is it good po ba?" Ginulo ko ang buhok ni Noah.

"Oo naman Noah." Pumalakpak si Noah sa sagot ko.

"Buti pa si Noah MALAMBING. Eh 'yong isa d'yan?" Inosenteng tumingin si Noah sa'kin.

Natawa si Lucas sa sinabi ko habang si kuya at Blake nag katinginan.

"Girlfriend mo nag paparinig." Tumingin ako ng masama kay kuya.

Nagmamanhid manhidan na naman si kuya. Siya pinaparinggan ko pinapasa pa sa iba. Pasimple kong inapakan nang malakas ang paa n'ya.

"A-aray!" Pasimple akong tumawa maski si Lucas at Noah. Hinawakan ni kuya ang paa n'ya.

"Nagsisimula na naman kayong dalawa. Kahit kailan talaga kayo aso't pusa." Sermon ni mama sa amin at umupo sa tapat ni kuya habang si Blake na sa tapat ko.

Nagsimula na kaming kumain. Puro tawanan lang ang bawat sulok ng kusina nang dahil kay Noah. Madaldal na bata kung ano-ano kinukwento.

"Tita! Kuya Blake really loves ate Zamara. Because I saw last night that he was staring at ate Zamara's picture." Sabi ni Noah kay mama habang tinuturo kuya niya. Pareho kaming nabulunan ni Blake sa sinabi ni Noah.

Wrong timing si Noah. Sa harapan pa ng pagkain binunyag kuya n'ya. Tumingin ako kay Blake na hindi makatingin sa akin.

"Inlove na inlove ka kay Zamara? Agawin ko kaya?" Tukso ni Lucas kay Blake na biglang tumingin sa amin. Inakbayan ako ni Lucas at kinindatan si Blake. Napunta ang tingin ni Blake sa kamay ni Lucas.

Nagsisimula na ang kapilyuhan ni Lucas. Natawa kaming lahat nang biglang hinampas ni Noah ang kamay ni Lucas.

"That's a bad idea, kuya Lucas." Iling na sabi ni Noah.

Nang matapos na kaming kumain tinulungan ko si mama magligpit ng kinainan namin. Hinawakan ni Blake ang kamay ko at kinuha ang pinggan na hawak ko.

"Ako na bahala." Sabi ni Blake.

Hinayaan ko na sina mama mag hugas ng pinggan at dumeretso sa sala. Naabutan ko si Lucas na hinaharot si Noah habang si Noah naman tawa nang tawa.

"Saan ka pala natulog?" Napatingin silang dalawa sa akin. Umupo ako sa tabi nilang dalawa.

"Kwarto ni Zavier." Maikling sabi n'ya. Kumandong si Noah kay Lucas.

"Bakit hindi ka pa nag aasikaso?" Takang tanong ni Lucas sa akin habang tinitignan mula ulo hanggang paa ko.

Kung makatingin naman si Lucas parang minamaliit ako. Binatukan ko bigla si Lucas.

"Aray naman! Aalis daw kasi mamaya! Kaya nagtataka ako bakit naka panjama ka pa." Paliwanag niya sa akin.

"Pupunta tayong park mag pi-picnic tayo, My treat." Lumingon kami nang biglang nagsalita si Blake.

"What time?" Tanong ko sa kan'ya. Umupo siya sa tapat namin at nag cross arm bago siya sumagot.

"Maybe before 5 pm."

5 pm pa naman pala, itong si Lucas kung maka react akala mo ngayon na agad aalis. Inaya ko muna sila manood ng isang movie bago kami umalis. Mahaba pa naman ang oras.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now