24

120 11 0
                                    

ZAMARA'S POV

Pinagpahinga muna ako ni mama dahil magang maga na raw ang mata ko. Tulala akong nakatingin sa kisame.

Kumusta na kaya si kuya? Maayos at ligtas kaya sinasakyan n'ya ngayon? Naka kain na kaya s'ya? Huminga ako nang malalim at umupo.

Napatingin ako sa cellphone ko kasi biglang may nag text. Bumungad agad sa akin ang pangalan ni Blake.

"Sleep well love. Just call me if you need me."

Ngumiti ako bahagya sa text ni Blake. Hindi na ako nag reply at binitawan ang cellphone ko. Gusto ko muna mapag isa kahit ngayong gabi lang.

Napag pasyahan kong lumabas ng kwarto para lumabas ng bahay. May tambayan naman kami sa tapat ng bahay namin. Jacket lang ang dala ko.

Umupo ako at tumingin sa langit.

Bigla ko tuloy naalala no'ng bata pa kami ni kuya. Mahilig si kuya sa buwan tapos ako sa bituin naman. Pumikit ako at sinuot ang jacket ni kuya.

Nagtatalo pa kami dati kasi pinag pipilitian ko kasi na mas maganda ang bituin.

Flashback:

"What are you talking about, Zamara?" Zavier said.

"Star."

"I mean-Aish! Ewan ko sa'yo!"

"Napaka pikon mo kuya!"

"Basta mas maganda ang buwan kaysa sa star mong maliit kulang na lang mapundi na kakakinang." Parang na-insulto si Zamara sa sinabi ng kuya n'ya.

Naka cross arm lang si Zavier at nakatingin kay Zamara.

End of flashback.

Nag mumukha na akong baliw ngingiti tapos mamaya iiyak. Ilang minuto lang ako na sa labas at pumasok na rin.

Kailangan ko ng magpahinga may kailangan pa akong tatapusin bukas.

---

Nagising ako na parang may nag tatalo sa loob ng kwarto ko.

"Lumabas ka nga!"

"Ikaw lumabas!"

Hindi ko na sana papansinin kasi sobra pa akong inaantok kaso naiingayan na ako.

Nagulat ako nang makita ko si kuya sa harapan ko.

May hawak na dustpan at walis tambo si kuya at inaamba si Lucas. Ito naman si Lucas naka cross yung dalawa n'yan kamay at iniilagan ang palo ni kuya.

"K-kuya?"

"Zamara? Anong kuya?" Takang tanong ni Lucas at tumingin sa likod n'ya.

"Namamalikmata ka lang. Bumaba ka na kakain na raw sabi ni tita." Pagkakasabi ni Lucas yon bigla na s'yang umalis sa kwarto ko.

Bumangon na ako at huminga nang malalim. Akala ko ba naman totoo.

Naghilamos muna ako at nag toothbrush bago bumaba. Naabutan ko si Lucas na tinutulungan si mama magluto.

Wala akong ganang umupo at tinignan lang sila.

"Oh gising ka na pala nak. Oh kumain ka na darating daw si Blake." Sabi ni mama at nilapag ang niluto n'yang tapsilog.

"Tita kumusta na po pala kayo rito?" Basag ni Lucas sa katahimikan namin.

Ni isa wala kasing nagsasalita ang tahimik namin masyado.

"Ayos lang naman Lucas. Ikaw? Hindi ba't uuwi ka na ng Japan?" Tanong ni mama.

"Grabi ka naman tita parang gusto mo na ako pauwiin." Yan na naman si Lucas akala mo inagayan ng candy.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora