27

95 8 0
                                    

ZAMARA'S POV

Hindi ako mapakali sa nangyayari ngayon. Lakad ako nang lakad at nag hihintay sa doctor ni mama.

Halos ngatngatin ko na yung kuko ko sa sobrang kaba at takot.

Si kuya?

Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si kuya.

Cannot be reached?

Nagtataka akong tumingin sa cellphone ko at tumawag ulit kay kuya. Kaso cannot be reached ulit. Ano bang nangyari rito kay kuya? Simula no'ng umalis siya wala na siyang paramdam.

Itetext ko sana si kuya nang biglang may tumawag sa phone ko.

Si tita?

Agad kong sinagot ang tawag ni tita.

"Tita! Na saan po si kuya?" Bungad ko sa kan'ya.

"Ayan nga itatanong ko sa'yo. Na saan ang kuya mo?" Balik na tanong niya.

"Bakit niyo po sa akin hinahanap? Nakaraan pa po siya umuwi." Sabi ko kay tita.

Imposibleng hindi umuwi si kuya. Nakaraan pa siya umalis. Ano yon na traffic sa langit?

"Kahit text o tawag wala akong natanggap. Nabanggit na talaga ng kuya mo na uuwi na raw siya pero bakit hanggang ngayon wala pa rin?" Napaupo ako habang tulala sa pintuan na kung na saan si mama.

Sana walang nangyari hindi maganda kay kuya. Hindi ko na nagawang mag pa alam nang maayos kay tita bigla na lang binaba.

'Wag naman sa ganitong paraan. Hindi ko pa kaya. Hindi ko kaya mag-isa.

Bigla akong napatayo nang lumabas na ang doctor at nurse. Lumapit ako sa doctor at hinawakan ang magkabilaang braso niya.

"Doc kumusta na po si mama?" Nanghina ako nang umiling siya sa akin.

"O-okay pa nama po si mama hindi ba doc?" Binitawan ko siya at akmang papasok sa room ni mam nang harangan ako ng mga nurse.

Galit na galit akong tumingin sa kanila at bahagya pang tinulak ang nurse. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ni mama. Napaluhod ako nang makita ko si mama na nakatalukbong na ng kumot.

"H-hindi. Hindi 'to pwede."

Nilapitan ako at akmang aalalayan ng mga nurse para tumayo pero iniwasan ko ang kamay nila.

"D-doc gawin niyo lahat ng makakaya niyo mabuhay lang si mama!"

"Sorry. We tried everything we could." Para akong nabingi sa sinabi ng doctor sa akin.

Nagmamadali akong pumunta kay mama.

"Mama naman!" Niyakap ko ang walang buhay na katawan ni mama.

Ang sakit.

Pati ikaw mama iiwan mo na rin ako?

Halos yugyugin ko na si mama nagbabakasakaling magising pa siya.

"M-ma bangon ka na! Gising ka na ma 'D-di ba sabi mo lulutuan mo ako ng paborito kong carbonara? Mama naman kasi!" Napaupo ako sa sahig habang mahigpit na nakasara ang mga kamay ko.

"Wag mo naman akong iwan ma!"

BLAKE'S POV

"Kuya gusto ko na po umuwi. " Huminga ako nang malalim nang ngusuan ako ni Noah.

Napaka inipin ng batang 'to hindi marunong mag hintay.

Kakatapos lang niya i-check up. Bibilhan ko pa siya ng gamot niya. Hindi lang kasi lagnat nangyari kay Lucas. Inubo't sipon pa.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now