34

102 11 0
                                    

ZAMARA'S POV

Wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak nang umiyak buong gabi.

8:00 am na.

Tumingin ako sa phone ko at huminga ng malalim.

Masyado akong na sanay na may bubungad sa akin na text mula sa kan'ya.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si tita nakalimutan kong tawagan ulit siya kagabi dahil na rin sa nangyari. Nagtaka ako kasi hindi sinasagot ni tita yung tawag ko.

Baka busy.

Pagkababa ko bumungad sa akin yung mga pinamili ko kagabi. Ang dami ko pinamili malamang ako lang mag-isa mag aayos nito.

Binuhat ko na lahat ng yun at nilabas lahat para ilagay sa isang cabinet at yung mga frozen food nilagay ko sa ref.

"Nakakapagod." Umupo muna ako saglit.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Alexis.

"Punta ka rito ngayon." Hindi ko na pinagsalita si Alexis bigla ko na lang binaba.

Tumayo ako para hintayin siya sa sala. Nakakapagtaka naman si Lucas. Isang himala na hindi siya pumunta rito? Lagi kasing pumupunta rito para i-check ako kung hindi utos ni tita utos naman ni Blake.

Napatakip ako bigla sa bibig ko.

"Teka Blake? Bus*t tumigil ka na nga Zamara!"

Hindi ko maiwasan na hindi siya isipin.

Lumabas ako ng bahay dahil may narinig ako na parang may tumatawag sa'kin.

"Ate! Ate! I'm here po!"

Noah? Anong ginagawa ng batang 'to? Nagmamadali kong binuksan ang gate at lumuhod sa harapan niya para magpantay kami. Nagulat ako kasi bigla niya akong niyakap.

"What's wrong?" Niyakap ko siya at bahagyang hinagod ang likod niya.

Tumayo ako at hinawakan ang kamay ni Noah.

"Sino kasama mo?" Tanong ko sa kan'ya.

"Si ku— oh? Where's kuya? He was just here earlier?" Ginulo ko ang buhok niya at inaya na lang siya pumasok sa bahay.

"Bakit ka pumunta dito Noah? Wala kang kasama." Ngumuso siya sa akin at umupo sa sofa at tinignan ako.

"I missed you and I have someone with me, kuya!" Napangiwi na lang ako kay Noah at inabutan siya ng tubig.

Siguro hindi alam ni Noah ang nangyari masyado pang bata 'to.

Baka ma-apektuhan.

"Do you know, Ate? I was worried about Kuya. I saw him last night, and he didn't eat dinner. He was also unusually quiet. I think he has a problem." Natigilan ako sa sinabi ni Noah.

Sobrang nag-aalala si Noah sa kuya niya. Huminga ako ng malalim at niyakap siya ng mahigpit.

"Ate? What's wron—" Hindi na natapos ni Noah ang sasabihin nang may biglang pumasok sa bahay.

"Ay? Sorry na istorbo ko ba kayo?" Sabi ni Alexis at tumabi kay Noah.

"May Kamukha ka." Nagtatakang sabi ni Alexis at hinawakan pa yung dalawang pisnge ni Noah.

"Si Blake! Ang one and only ni Zamara! Ang taray ha may poging kapatid pala si Blake." Kinurot pa ni Alexis ang pisnge ni Noah.

"Teka bakit nandito 'to? Na saan si Blake?" Tanong ni Alexis.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now