Kabanata 3

2.9K 92 2
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 03.
Back to the
Mansion
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Luna's Point of View

Tanghali na nang magising ako. Bumangon kaagad ako sapagkat nakaramdam ako ng kakaibang uhaw at panunuyo ng lalamunan ko.

Pagtayo ko pa ay bigla na lang nanghina ang tuhod ko kung kaya't napahawak ako sa pinakamalapit na lamesa.

Doon ko naalala na ginamitan nga pala ako ng kapangyarihan ni ama kung kaya't naging ganito ako ngayon.

Tumayo na lamang ako at naglakad ng paunti-unti. Kaya ko pa naman, medyo nanghihina lang talaga siya na umabot sa kalamnan ko.

Ikaw ba naman makuryente hindi ka ba manghihina.

“Abigail!”

Muntik kong mabitawan ang hawak kong baso dahil sa pagkakabigla. Ni hindi ko man lang naramdaman ang kanyang presensya sa aking likod kung kaya't gano'n na lang ang pagkagulat ko.

“Are you okay? Just tell me if there's anything wrong with your body,” aniya.

Umiling naman ako, “No k-kuya. I can handle naman. Hindi naman masyadong masakit.” Malumanay kong sagot sa kanya.

It feels awkward to call him kuya but I guess kailangan ko ng magsanay ngayon. I need an ally in this house kasi napagtanto ko na baka mas marami pang tao ang ayaw sa 'kin at galit sa akin.

Who knows kung ano pang pinaggagawa ng totoong Luna noong siya pa ang naninirahan dito sa katawan na 'to.

Lumapit siya sa 'kin and then he suddenly attempt to touch my forehead. And guess what? Tinampal ko ang kamay niya ng hindi ko namamalayan.

Nabigla rin ako sa ginawa ko but I guess my reflexes act on its own.

“I'm s-sorry. I didn't mean to do that.” Taranta kong paliwanag sa kanya.

Ngunit ngumiti lang siya sa 'kin tsaka niya ginulo ang buhok ko.

“Habit never dies! Sorry for not asking permission.” Tumawa naman siya matapos niyang magpaliwanag.

“Pagpasensyahan mo muna si Dad. And don't even think nonsense okay? Dad loves you, he's just… I mean hindi lang talaga niya matanggap na nasaktan ka ng gano'n sa mga taong mahihina pa sa 'yo.” Paliwanag niya.

He's a soft, handsome brother. Mabait siya, nakikita ko sa mga mata niya. But there's this aura of him na napaka intimidating kapag tumigil na siya kakangiti.

“He doesn't accept failure in his family. Especially you, his first daughter.”

Hindi ko magawang sagutin ang mga sinasabi niya kasi hindi ko alam kung anong dapat kong sasabihin. Nag-aadjust pa ako sa mga nangyari sa 'kin.

And the fact na napunta ako sa lugar na may powers made me overthink that maybe this isn't real at all.

“Let's go. We're going home now.” aniya.

“Where?”

“It's not good for you to stay here anymore. Who knows what Lola might gonna do to you? I just don't understand Lola at ayoko nang malaman pa kung anong dahilan niya.”

Matapos niyang sabihin iyon ay naglakad na kami patungo sa labas ng mansyon. Sa pagbaba pa namin ay nakasalubong namin ang isang matandang lalake na masiglang-masigla pa dahil sa tindig nito.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now