Kabanata 25

1.8K 56 0
                                    

Kabanata 25. Top agent, Aye(I)

Luna's Point of View

"Just keep on running," malamig niyang sabi sa'kin. 

"Well, I am doing it!" Asik ko sa kanya. 

Hawak pa rin niya ang kamay ko ngayon at tumatakbo pa rin kami. Napansin ko rin na maraming estudyante ang nagtatakbuhan papunta sa kani-kanilang dorm. Maaaring ang halimaw na iyan ang dahilan kung bakit pinapapasok kami sa dorms namin. 

Sa pagtakbo namin kasama ang ibang estudyante ay nahagip ng mata ko ang isang estudyante na nadapa sa sahig, sa likod naman niya ang tumatakbong halimaw. Nanlaki ang mata ko sa aking nasaksihan. 

"Sandali," mabilis kong binitawan ang kamay ni Zyriex.

Tumakbo ako papunta doon sa babaeng nadapa. Mabilis ko siyang hinarangan and then I used my power para sana ipatilapon ang malaking hayop na nasa harapan ko na ngayon. And its mouth is wide open, ready to devour me. 

Tila bumagal ang galaw ng paligid sa aking paningin ng makita kong walang epekto sa kaniya ang kapangyarihan ko. Nang malapit na niya akong makain ay bigla na lang akong tumilapon kasama ang babae na iniligtas ko. 

"Hey! Big Dog, go back to your cage!" 

Napalingon ako sa sumigaw. Nakalimutan ko ang pangalan niya pero siya 'yung lalaki na bumugbog kay Zyriex noon. Tumayo na ako at nilapitan ko ang babaeng tinulungan ko. 

Tinanong ko siya, "Okay ka lang, miss?" 

Tumango naman siya at nagpasalamat tsaka naman may humila sa'kin ng marahas. Galit na Zyriex ang bumungad sa'kin. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya na nagkaroon ng emosyon. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. Tapos ay bumalik na sa dati ang expresyon ng mukha niya. 

"Zyriex! This way," sigaw ng kung sino sa likod namin. 

Paglingon ko ay nakita ko si Matt na kumakain pa ng lollipop. Napansin ko rin na nauna na ang babaeng tinulungan ko doon. Kaagad naman akong hinila ni Zyriex ng wala man lang pasabi. Nainis naman ako sa ginawa niya. 

Nakailang hawak na siya sa'kin a! Kainis! 

Malapit na sana kami sa daan na itinuro ni Matt ng pareho kaming nabigla ni Zyriex at napahinto pa dahil sa isang katawan na bumagsak sa gilid ng dinadaanan namin. 

Naalala ko na ang pangalan niya, si Atlas. Ang lalaking bumugbog kay Zyriex. Siya ang bumagsak sa gilid ng dinadaanan namin. Wala na ang pang-itaas niyang damit kaya kitang-kita na ngayon ang katawan niya. Tumayo naman siya na parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Naagaw naman ang atensyon ko sa maliit na tattoo na nasa dibdib nito. 

That tattoo. Nakita ko na 'yan dati.

Napalingon siya sa'min ni Zyriex, "Ano pang tinutunganga ninyo? Run idiots!" Sigaw niya sa'min. 

Hinila na naman ako ni Zyriex matapos iyong sabihin ni Atlas. Kung makahila naman 'to wagas! Kaya ko namang tumakbo ng hindi siya hinahawakan e! 

Sa inis ko ay marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya. 

"Kaya kong tumakbo ng hindi hinihila, para malaman mo!" Masungit kong wika sa kanya. 

Narating na namin ang daan na itinuro sa'min ni Matt. Papasok ito sa boys dorm kung kaya't wala akong choice kundi ang pumasok na lang sa loob para hindi na kami habulin no'ng malaking hayop na 'yon. Hinihingal akong napahinto sa loob ng building. Nanuyo ang lalamunan ko sa pagtakbo namin kanina. Bigla na lang may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako doon at mabilis na tinampal ang kamay na iyon. 

The Rare OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon