Kabanata 54

1.1K 30 0
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 54.
Luna's acting weird
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Isang malutong na suntok ang natamo ni Calvert mula kay Kitty. Napadaing naman siya sa sakit na dulot nito kasi pinatamaan nito ang parte kung nasaan ang kaniyang sugat. Sa may bandang tiyan na.

Mabuti na nga lang at nakaligtas siya sa pagsabog ng secret laboratory na nasa underground ng paaralan nila. Kung hindi siya fire att ay malamang nasunog na ang balat niya ngayon.

"Mas mahusay pa pala sa'yo si Justin e! Ano't hindi mo man lang nadala rito ang mahinang babae na 'yun! Ang akala ko pa naman ay nakatakas na kayo doon tapos babalik ka rito at sasabihin mong natakasan ka? Patay ka kapag dumating si Boss, alam mo ba 'yon? Akala ko ba gusto mong paslangin ang pumatay sa nobya mo?" Galit na salita ni Kitty.

He composed himself kahit na masakit ang tiyan niya. "May tumulong sa kaniya. Ang isa sa tumulong sa kaniya ay isang Frost. Pinagkaisahan nila ako."

Nagalit lang ng husto si Kitty sa sinabi niya. Napapikit siya upang ihanda ang sarili sa kamaong tatama na naman sa kaniya.

"Enough with that, Kitty. Naitusok mo ba sa kaniya ang sinabi ko sa'yo?"

Napadilat naman siya ng mata. Bahagya siyang kinabahan nang maalalang mali ang una niyang naitusok ngunit pinili na lang niya na hindi sabihin ang parteng iyon.

"Tinatanong ka ni boss! Sumagot ka!" Inis na sigaw ni Kitty sa kaniya. Napabalik naman siya sa ulirat niya.

"Yes, boss! Naitusok ko sa kaniya ang kulay pula na sinasabi ninyo."

Ngumisi naman ng nakaloloko si Lyllian, "Well, that's enough. I change my plan. Gusto ko na maging anak ang babae na 'yun."

Nalilito naman siyang tumingin sa Boss niya. Ano ba ang pinagsasabi nito?

"Nahihibang ka na ba, Lyllian!" Galit na wika ni Kitty.

"Don't worry kitty. She will come to me on her own accord. Just wait and you'll see. In the meantime. Maghanda muna kayo ng mga malalakas natin na tauhan. I'm sure na may mangyayaring malaking labanan." Wika ni Lyllian na para bang nasisiyahan pa.

Nalukot naman ang mukha ni Calvert bago siya umalis at sinunod ang utos ng kaniyang mga amo.

●∘◦❀◦∘●


"Nahanap niyo na ba?" tanong ni Blaze sa kabilang linya. Kausap niya ngayon ang isa sa tauhan ng agency na pinapasukan niya.

Nang makakuha siya ng sagot nito ay ibinaba niya na kaagad ang telepono at tsaka hinarap ang nakababata niyang kapatid na si Luna.

"Mabuti na ba ang kalagayan mo? Wala ka bang nararamdaman na kakaiba?" Tanong niya rito. Ngunit imbes na sagutin siya ay tumayo naman ito na ikinainis niya.

"You need to rest, Abigail! Baka kung ano na naman maging epekto ng naiturok sa katawan mo. Baka mangyari muli ang nangyari sa 'yo noon." Hinila niya ito pabalik sa higaan.

"Kuya naman e. Okay nga lang ako. Gusto ko lang na puntahan at kumustahin ang iba." Inis na wika ni Luna.

Kahapon pa kasi siya pinipigilan ng kuya niya at hindi na siya natutuwa. Kating-kati na siya na malaman ang kalagayan ng mga kasamahan niya. Marami rin siyang gustong malaman katulad na lamang nung babae na bigla na lang sumulpot at tinulungan sila.

Nagpumilit muli siyang tumayo, "Aalis ako! Saglit lang naman kuya e! Kahit si Zy na lang ang puntahan ko, hmm! Sige na!" Maktol niya sa kuya niya.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now