Kabanata 26

1.7K 50 1
                                    

Kabanata 26. Students Council Member: President and Vice President

Luna's Point of View

"Glad you're okay, Abigail." Sinalubong ako ng yakap ni Olivia. 

Kakarating lang namin ni Ellesse sa dorm. 

"What happened outside? May naririnig kasi kaming sigawan but the facilitator won't allow us to go outside." Sabi naman ni Elleanor.

"There's a big hound dog earlier the outside, Lea. Muntik na nga kainin si Gianna e." Nagulat naman ang dalawa sa kwento ni Ellesse sa kanila. 

Hindi ko naman napigilan na batukan si Ellesse nang dahil sa kanyang sinabi. 

“Aray!” Masama niya akong tiningnan. Nabigla rin si Elleanor sa ginawa ko sa kakambal niya.

"Wag mo nga silang takutin, Ellesse. 'Di na naman ako tatantanan nitong isa kakabuntot e!" Reklamo ko sa kanya. 

"E sa totoo naman a! Muntik ka nang— oh, right, may mga knight in shining armors ka pala." Nakangiti at parang nang-aasar pa niyang wika sa'kin. 

Pinaningkitan ko siya ng mata, "Kaklase ko sila Ellesse. They're just acting like a gentleman, ganun." Paliwanag ko kay Ellesse para hindi nila makuha ang maling ideya.

"May jowa ka na, Abigail?" Parang hindi makapaniwala na tanong ni Olivia. 'Yung expresyon naman ng mukha niya ay parang nagsasabi na hindi ako magkaka nobyo.

"Wala Olivia! Tigilan niyo ako a." Inis kong sambit sa kanila. 

"Ayiehhhh! Kunyari pa 'to. Jowa mo 'yong matangkad na lalaki noh? 'Yong nagmamay-ari ng jacket na 'yan." Tukso pa ni Ellesse sa'kin.

"Totoo, Abi? Aysus! Si Abigail magkaka jowa? Parang imposible naman ata 'yon." Sinamaan ko ng tingin si Olivia. Tumawa naman si Ellesse at Elleanor sa reaksyon ko.

Sabi na e. Inaakala niya na hindi ako magkaka nobyo kaya ganun ang expresyon niya kanina. 

"Tigilan niyo nga ako! Hindi ko siya jowa, okay! Nagkataon lang na kasama ko siya no'ng hinahabol kami no'ng malaking hayop na 'yon. And this…" turo ko sa jacket at tsaka binuksan ang zipper para makita nila ang itsura ng uniporme ko sa ilalim nito. 

"My uniform ripped. He's just doing what a gentleman would do." Dugtong ko pa.

"So you think that guy is a gentleman?" This time, si Olivia na ang nagtanong na may ngiti sa labi. 

Inirapan ko na sila dahil sa inis. Bakit ba ayaw nilang maniwala? At tsaka ano bang pake nila kung may jowa ba ako o wala. Hindi naman siguro required na magka-jowa kapag nabuhay ka sa mundo, right?

"Ewan ko sa inyo! Bahala na nga kayo diyan!" Inis akong umalis sa sala at nagtungo sa kwarto ko. Pagsara ko ng pinto ay narinig ko naman ang pagtawa nilang tatlo. 

Trip nila ako ngayon. Tsk! 

Naisipan ko na lang na magbihis. Hinubad ko na ang jacket na suot ko pati na ang uniporme ko. Kinuha ko muna ang name tag ko doon at napatigil ako nang may mapansin. Hinablot ko ang pin rank ko at pinakatitigan ko itong mabuti. 

Ang pin rank kasi nila dito ay para siyang maliit na monitor screen na nag-a-update lang nang sa kanya. Napalunok ako ng makita ko ang rank ko. Ngayon mukhang naiintindihan ko na kung paano gumagana ang bagay na ito. It can detect your power. Kaya ganun na lamang ang pagtataka ko noon na walang nag sita o tumawag man lang sa mga estudyanteng gumamit ng kapangyarihan nila dito sa loob ng campus. 

The Rare OnesWhere stories live. Discover now