Kabanata 51

1.1K 38 0
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 51.
Dahlia and Lyllian
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Ang lahat ng estudyante sa loob ng paaralan ay ti-ne-teleport ng kanilang mga guro sa abot ng kanilang makakaya. Lahat ng guro sa paaralan nila ay may kakayahang mag-teleport ngunit bilang lang ang mga estudyante na may ganung kakayahan sapagkat mahirap itong sanayin at maraming enerhiya ang nakokonsumo nito kapag ginamit mo ang ganitong kapangyarihan.

Meanwhile, Luna's family was so worried. Ginawa na nila ang lahat ng makakaya nila ngunit hindi pa rin nabubuksan ang malaking metal na bumabalot sa buong paaralan.

"Nahanap niyo ba si Luna roon?" Tanong ni Sally kina Roydein at Suzanne.

Umiling naman ang dalawa sa kaniya, "Hindi e, wala doon." Sabay pa na sagot ng dalawa sa kaniya.

"Wala rin doon." Bungad ni Tazia kasama si Blaze.

Nasa gano'n silang posisyon nang matumba sila dahil bigla na lang may nag-teleport sa kinatatayuan nila. It was them, Damonn and the others.

Sa pagkakatumba nila ay napabaling pa ang lahat ng tao kasi akala nila ay may nag-aaway. Napabaling rin ang ina at ama ni Luna na kausap lang ang guro ng kanilang anak. Mabilis na nagsilapitan ang ibang mga magulang sa nasabing lugar, nagbabakasakaling nando'n ang mga anak nila.

Thankfully, each of their parents is there. Except for Shamil, who's an orphan. Tanging si Sally lang ang lumapit kay Shamil at sinipat ito ni Sally mula ulo hanggang paa kung may sugat ba ito. Nakahawak pa si Sally kay Lyka habang sa kabilang kamay naman ni Lyka ay si Darcey.

"Okay ka lang? Si Miss Abi? Nasa'n?" Nag-aalalang tanong ni Sally kay Shamil ngunit natahimik lamang ito at tsaka yumuko. Bumagsak ang balikat niya sa kaniyang nalaman.

"Si Abigail, Sally?" Sabik na tanong naman ng ama at ina ni Luna sa kaniya.

Kahit na hindi sabihin ni Shamil sa kaniya ang mga salita ay alam niyang naiwan sa loob si Luna. Nanlumo rin ang ama at ina ni Luna sa naging reaksyon niya. Pati na si Blaze na naikuyom ang kamao.

"Nagpaiwan siya sa loob. Para makalabas kami." Malungkot na wika ni Shamil.

"That d@mn woman!" Napalingon si Shamil at Darcey nang magsalita si Lyka.

"Lyka, wag ka magsalita, baka bumukas 'yang sugat mo." Sabi ni Darcey kay Lyka.

Lyka just scoff mockingly. Naiinis siya sa katotohanang iniligtas siya ng mga miyembro ng Ixtal Organization, ang organisasyon na pangalawa sa Noxious organization na siyang kinabibilangan niya.

Pagkaraan ng ilang oras ay dumating naman si Atlas para kunin si Lyka para maisakay na sa ambulansya.

Nagsidatingan naman ang mga ambulansya. Kailangan kasi nilang dalhin ang kanilang principal kasi nasa critical na kalagayan na ito ngayon. Sina Zyriex, Olivia at ang dalawang kakambal naman ay nando'n na sa mga magulang nila na lubhang nag-aalala rin sa kalagayan nila. Marami pa ring reporters sa labas ng paaralan ngunit kontrolado naman ito ng mga tauhan nila Enzo.

While Damonn, on the other hand, was planning to go back inside the campus para makuha niya si Luna. But then a woman stopped him from doing so.

"Stay still. I'll be the one to rescue Luna. Hindi mo sila kakayanin sa lagay mong 'yan. You used up too much energy because of the number of people na ti-ne-teleport mo kanina."

Damonn was confused for a while. Kumunot ang noo niya nang makita ang hindi pamilyar na babae.

"Sino ka?" Tanong ni Damon dito.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now