Kabanata 45

1.2K 43 2
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
  Kabanata 45.
Olivia's hidden
motive 
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

“All students… Again all students, please run into your respective dorms right now. Lock the door and seal it with your powers. You can do it, right? Everyone, right? Please save yourself from this sudden attack of unknown forces. Police are on their way now. As of this moment, we can't go outside. Again we can't go outside! The system of the school just blocks all the entrance and exit para hindi makatakas ang mga lumusob sa atin.” 

Mahabang anunsyo na umalingawngaw sa buong paaralan. 

“Done sealing it. Are you guys okay now?” Tanong ni Miles na umuupo na ngayon sa may sofa sa kanilang dorm.

“Bakit mo kami dinala rito? We have our own dorm!” Asik naman ni Elleanor.

Sumagot naman si Auilliam. “Para safe kayo. Ang layo doon at hindi kita mababantayan.” Seryoso nitong saad.

Si Luna naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila habang iniisip kung sino nga ba talaga ang misteryosong lalaki na tumulong sa kaniya kanina. Bigla na lang muli itong naglaho kanina matapos siyang iligtas nito. 

“Gianna, are you alright?” Tanong ni Damonn nang mapansin nito na malalim ang iniisip ni Luna. 

Napaangat naman ng tingin si Luna. Napabaling siya kay Olivia na kanina pa rin tahimik katulad niya. Muli niyang ibinalik ang paningin niya kay Damonn. 

Tumango siya, “Ikaw? Nasaktan ka ba?” 

Umiling naman ito sa kaniya. “I'm fine…”

Gano'n pa rin ang kasuotan nila. Hindi pa rin tinatanggal ni Luna ang maskara niya sa mukha. Half mask lang naman ito kaya ang mata lang ang natatabunan. Maski na sina Ellesse at Elleanor ay hindi pa rin tinanggal ang maskara nila.

Lumapit naman si Miles kay Luna, “Young Lady. Mabuti na lang at ligtas kayo. Baka ako ang matsugi ng ama mo kapag hindi ka nakaligtas e.” Bungad niyang salita kay Luna. 

Napadako naman ang tingin ni Luna sa ulo ni Miles na dumudugo. “Nasugatan ka.” Anas niya.

“Wala lang 'to. 'Di naman masakit.” Sagot pa nito sa kaniya. 

Binatukan naman kaagad ni Shamil si Miles sa lugar kung saan ang sugat nito. Napadaing naman ito sa ginawa niya, “Aray! Gag* 'to! Bakit ba?”

“Ayan ba 'yong hindi masakit?” Shamil asked sarcastically. Piningot niya sa tenga si Miles at hinila papalayo kay Luna. Hinila niya ito papunta sa kwarto nito na mukhang pag-aari niya kasi diresto lang itong pumasok roon ng hindi man lang humihingi ng pahintulot. 

Wow! Kwarto niya? Napairap naman si Miles sa ginawa ni Shamil sa kaniya. “Baka gusto mong putulin ang tenga ko noh? Ako na magpuputol para sa'yo.” Sarkastiko niyang wika sa dalaga nang hindi pa rin binibitawan nito ang kaniyang tenga. 

Samantala, tahimik lang sina Luna, Matt, Damonn, Auilliam at ang dalawang kakambal habang nakaupo. Kapwa sila nag-iisip at inaalam ang mga pangyayari kanina. Masiyado kasi itong biglaan na hindi na nila na proseso sa kanilang mga isipan. 

Binasag ni Matt ang katahimikan nang mapansin niyang wala si Zyriex sa dorm nila. “What the fvck! Does anybody seen Zy?” 

Kaagad naman na nagpalinga-linga sa paligid si Luna. Napagtanto niya na wala nga talaga si Zyriex sa paligid. 

“Tingnan mo sa kwarto niya. Baka nando'n lang.” Malamig na sagot ni Damonn. 

Umiling naman si Mirra, “Do'n ako galing e. Nag-ayos ako ng damit ko kasi medyo nagulo.” Pagtutukoy ni Mirra sa may cleavage niya na muntik nang makita ang isa niyang dibdib dahil sa komosyon na nangyari sa kanila kanina. 

The Rare OnesWhere stories live. Discover now