Kabanata 18

1.8K 56 3
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
  Kabanata 18.
Supreme President
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Luna's Point of View

Gabi na nang maiuwi ako ni Sally sa mansion. Hindi muna ako pumunta ng paaralan sapagkat out of service ngayon ang dorm namin. Ang sabi pa ni Sally sakin ay dinala na raw sa morgue ang babae para i-autopsy nila ang mga nakuhang sugat nito.

Sa pagpasok ko sa loob ay isang mariin na titig ang ipinukol sa akin ni Dad. Kahit malayo siya ay ramdam na ramdam ko ang galit niyang titig. Si Mom naman ay nasa tabi niya at nagaalalang tumitig sa 'kin.

“Kanina ka pa nila hinihintay. Hindi ko na lang po sinabi sa inyo dahil alam kong nabigla pa kayo sa mga nangyari,” mahinang bulong sa 'kin ni Sally.

“It's okay, Sally.”

Naglakad na ako patungo sa kanila. Mukhang seryoso na seryoso talaga sila dahil hindi nila ako sinalubong para kamustahin. Habang pa-upo ako ay hindi ko inalis ang titig ko kay Dad.

“What a shame, Abigail!” Said Dad with a very disappointed tone.

I remained silent.

“What you did today is unacceptable! Hindi ka lang namin pinayagan sa gusto mo, pumatay ka na ng tao!”

Gulat akong nag-angat ng tingin kay Dad nang dahil sa kanyang sinabi. Did he really think that I am the killer? Tsk!

“So you did think that I did that?” mapakla akong natawa.

“Abigail! We're serious. Tell us the truth,” usal ni mom.

“Pati ba naman ikaw mom?” I scoffed in disbelief.

I can't believe them. So this is why Luna never did share her emotions with anyone. Kasi maski magulang niya ay parang hindi siya kilala. I thought parents know their child very well, but I guess it's not.

“You did it, right?”

Muli ay napatingin ako kay dad ng hindi makapaniwala.

“Oh! I did it! So what?” pabalang kong sagot

“At talagang sumasagot ka na ngayon sa 'kin. Parang noon lang ni kahit katiting na sagot wala akong nakukuha sa 'yo kahit na reklamo. Naalog ba utak mo nong binugbog ka ng mga mahihinang nilalang na iyon!” puno ng galit ang pananalita ni dad.

Kung si Luna lang 'to ay malamang nasaktan na siya ng todo. His word did hurt me a little knowing the fact that I consider them now as my new family.

“Hon naman!” Suway ni mom.

“Okay, I should do whatever you may ask,” malumanay kong wika.

Natahimik naman sila sa sinabi ko.

“Is that what you wanted to hear? Am I right, Dad?”

Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ni dad. Napapikit na lang ako ng isinaboy niya sa mukha ko ang juice na iniinom niya kanina nong dumating kami ni Sally.

“Blake stop. Abigail, go to your room now!” Mariin na wika ni Mom sa 'kin habang hinahawakan niya si dad.

Muli ay sinamaan ko ng tingin si dad.

“Malaki na ako Dad. Hindi na ako bata pa para sundin lahat ng sinasabi mo sa 'kin! E ano naman kung wala akong att, napatay ko naman ang babae na 'yun ng hindi gumagamit ng kapangyarihan!” Asik ko sa kanya.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now