Kabanata 41

1.3K 53 1
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
  Kabanata 41.
The Intel
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Luna's Point of View

Nasa labas kami ng boys' clinic sa babaeng kasama ni Zyriex. Si Zyriex naman ay nasa loob ng clinic at ginagamot ang pasa na nakuha niya kanina.

Surprisingly enough, sumunod sa'min si Atlas pero wala na itong malay. Karga siya ngayon ni Lyka na masamang tumingin sa'kin kanina bago sila pumasok sa loob ng clinic.

“Are you, by any chance, his girlfriend?” biglang tanong nitong katabi ko.

Napabaling ako sa kaniya habang hindi pa rin mawala ang pag-aalala ko. Kasi naman, alam na ni Atlas na ako si Luna. Hindi pa naman kami magkasundo no'n kaya mahirap 'yong pakiusapan.

“Nino?”

“Zyriex, of course.” May pagkairita sa boses niya.

Inilahad niya ang kamay niya sa'kin. “I'm Ella, nice meeting you.”

Saglit ko pang tiningnan ang kamay niya na nakalahad sa'kin. I eventually accept it.

“Gianna Abigail.”

Ngumiti naman siya sa'kin, “Now, I am certain that he's in good hands.”

Kumunot naman ang noo ko. “Akala ko ba fiancee ka niya?” tanong ko.

Bigla naman siyang tumawa, “Noon pa, but his heart is already bound to someone. He's been waiting for that someone since we were a child.”

Marunong naman pala siyang mag-tagalog.

“You mean, mas nauna ka pa sa'k— kay Luna na fiancee rin niya recently?”

Tumango naman siya and hummed.

“I mean no harm for the both of you. But Tito really insists, gusto niya talaga na ako na lang ang makakatuluyan ni Zyriex kasi hindi pa raw ako nag bo-boyfriend. Sadly enough, they didn't know that I don't like guys, I like girls.”

Ikinagulat ko ang sinabi niya. Tumingin siya sa'kin ng makabuluhan.

“And no wonder why Zizi likes you, 'cause I kinda like you too.”

Zizi? May endearment pa sila. Tsk!

Pilit akong ngumiti sa kaniya. “Sorry, but I don't like girls,” I said straight to her.

Tumawa na naman siya. Bumukas na ang pintuan pagkatapos no'n kaya pareho kaming napabaling doon.

Nagtama kaagad ang paningin namin ng Zizi nitong babae na 'to. Tsk! P*ta nagseselos ba ako? Ako magseselos? Wala namang kami. Tsk!

“I told you, don't call me by that nickname anymore.” Malamig pa sa simoy ng hangin ang boses niya ngayon habang sinasabi niya iyon kay Ella.

“Can't help it. Doon ako nasanay. Ilang taon din kaya tayong hindi nagkita. Pumangit na ang tagalog ko.” She said it.

Talaga naman na may accent na ang tagalog niya. Hula ko ay 7 years na siguro siya sa bansa na pinanggalingan niya. May accent na talaga 'yong Tagalog niya e.

“I will go now, you take care of him, okay? I'm giving him to you now, though hindi naman siya naging akin, haha!” Huling wika ni Ella tsaka kumindat pa sa'kin bago siya tuluyang umalis.

Napabaling naman ako kay Zyriex.

“I'm okay now. Thanks to your father's help.”

Tumaas ang sulok ng kilay ko sa kaniyang sinabi. My Father?

The Rare OnesWhere stories live. Discover now