Kabanata 15

2K 73 1
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 15.
The visit, Olivia
and Enzo Isla.
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝


Olivia's Point of View

"What happened to your hand kuya?" tanong ko sa kapatid ko habang bumabyahe kami papunta sa bahay nila Luna. Naka benda kasi ang kamay niya sa may kaliwa.

Balak kong bisitahin si Luna kasi mahigit isang buwan ko na siyang hindi nakikita dahil hindi ako pinapayagan ni kuya kasi bawal pa nga raw.

But now he did agree dahil may pakay din daw siya roon.

"Hindi naman 'to seryoso. May malakas na tao lang ang bumalibag sa'kin."

Nabigla naman ako sa sinabi niya, "Ikaw? Mababalibag? Weh, 'di nga?" hindi ko makapaniwalang tanong.

He's Enzo Isla. A great detective kaya hindi ako naniniwala sa kaniya.

"He caught me off guard Oli! Don't insult me!"

Natawa naman ako sa sinabi niya. Tumahimik na lang ako sa kinauupuan ko.

Matapos ang ilang minutong pagbiyahe ay narating na namin ang bahay nila Luna. Bago iparada ni Kuya ang sasakyan ay pinagsabihan niya na naman ako.

"Know your limits Oli, I know you're here too to visit your boyfriend." Nakagat ko ang sarili kong labi sa sinabi niya.

Kailan niya pa nalaman na dito nagtatrabaho ang nobyo ko?

"P-Paano mo nalaman, Kuya?"

"I'm a detective Olivia, don't make me laugh." Seryoso niyang saad.

Tumahimik na lang ako at lumabas na sa kotse. Sinalubong naman kami ng isang butler.

This must be the butler Sue na palaging kinukwento sa 'kin ni Roy. Ngayon lang ako nakapunta sa bahay nila Luna. Doon lang kasi ako nakapunta sa Main Mansion ng Quinn's Clan e.

"Welcome to Quinn's House. May I know your agenda here, Sir?" aniya.

Tumingin naman siya sa'kin at nginitian ko siya.

"Is Mr. Blaze here? And we're also here to visit Luna. My younger sister's friend." Sagot naman ni kuya.

"Oh! You must be that Olivia girl. You're really beautiful." Pagpupuri niya sa'kin.

I humbly smile at her, "Yes, ako po iyon," sagot ko.

"And you are, Mr. Enzo Isla, right?" tumango naman si kuya.

"This way, Sir."

Sumunod naman kami sa kaniya. Pagpasok pa lang ay namangha na kaagad ako sa ganda ng bahay nila dito sa loob.

Hindi pa nga ako naka-upo sa sofa ay may tumawag na sa'kin at nag tatakbo pa.

"Babeeeee!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses na iyon.

Paglingon ko sa kaniya ay nadulas siya pero tumayo kaagad na may ngiti pa sa labi.

Boyfriend ko ba talaga 'to?

"BABE!"

Nang makalapit siya ay niyakap niya ako ng napakahigpit na hindi na ako makahinga kaya tinapik-tapik ko ang balikat niya.

"I-I can't breathe!" asik ko.

"Sorry," mabilis siyang bumitaw.

Hinawakan ng dalawang kamay niya ang pisngi ko habang nakangiti siya. Napangiti na lang din ako ng wala sa oras dahil sa kapogian niya.

The Rare OnesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum