Kabanata 9

2.2K 79 3
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 09.
First Day,
First Trouble.
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Luna's Point of View

Narating ko ang hallway na kasama ang dalawang magkakambal. Panay bulungan silang dalawa na naririnig ko naman.

Hindi nila ako kinausap at wala rin akong balak na kausapin sila. Basta nakabuntot lang sila sa 'kin.

Hanggang sa mairita ako sa isa kasi kapag nahinto ako sa paglalakad ay bumabangga siya sa likod ko.

“May kailangan ba kayo sa 'kin?” tanong ko.

“Ah, eh, Pasensya na talaga sa nagawa ko sa 'yo kanina. I'm very, very, very sorry.” pagpapaumanhin niya sa 'kin.

“It's okay,” maikli kong sagot tsaka muli silang tinalikuran.

Tumabi naman silang dalawa sa 'kin.

“Ako nga pala si Elleanor,” pagpapakilala no'ng babaeng nakabanggaan ko.

“Ako naman si Ellesse,” ani naman nong isa.

Ayoko sana na magpakilala sa kanila ngunit wala nga akong choice.

“Gianna Abigail,” pakilala ko naman sa kanila.

Ngumiti naman si Ellesse.

“Ganda naman ng pangalan mo.” Papuri niya na nginitian ko lang ng bahagya.

“Sorry talaga ha,” Sabi naman ni Elleanor.

Natitigan ko ng wala sa oras si Elleanor. Kanina pa kasi siya nagso-sorry e.

“Elleanor right? Kanina ka pa nagso-sorry, hindi ka ba napapagod?” tanong ko.

Yumuko naman siya at ngumuso, “Sorry,”

Muntik ko na siyang ma-irapan nang marinig ko na naman ang sorry niya. Hinampas naman siya ni Ellesse sa likod nito.

“Kanina ka pa nagso-sorry! Tigilan mo na 'yan!” aniya.

“Aray! Nakakadalawa ka na ah!”

Hindi ko na lang sila pinakinggan pa nang magsimula na ang seremonya. May nagsalita sa stage at marami na rin ang tao sa loob ng gym. Halos malula na nga ako dahil sa sikip e. Tapos panay bangayan pa 'tong dalawa na kasama ko.

Pinaliwanag lang nong teacher ang mga dapat kailangan ng mga baguhan. Including the rules and level of grades. Mix ang classes na gagawin namin as a freshman. There's a normal class kung saan malalaman mo ang pinanggalingan ng mga att.

Then there's some subject naman kung paano mo mapapalabas ng buo ang attunement mo. Marami pang iba na hindi ko na pinakinggan pa kasi nakasulat na naman iyon sa papel na ibinigay sa 'kin ni Sally kahapon lang.

Nang matapos ay nagsi-alisan na ang lahat at pumunta na sa kani-kanilang silid aralan.

“Saang klase ka, Gianna?” napalingon ako sa tumawag sa 'kin.

It's been awhile nang may tumawag sa totoo kong pangalan. It was Elleanor.

“My schedule says, normal class. Kayo?” balik kong tanong.

“Same!” pumalakpak pa si Elleanor habang sinabi niya ito. Ngumiti naman ng malapad si Ellesse.

I never thought na may makikilala ako on the first day of school. I am not really fond of friendship. But then I second guess my decision. Noon ay ayoko, kasi alam ng lahat na mayaman ako kaya kinakaibigan lang nila ako but now has a difference.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now