Kabanata 27

1.5K 53 0
                                    

Kabanata 27. The Truth

Luna's Point of View

Sabado na ngayon at nagliligpit na ako ngayon sa mga gamit ko dahil aalis na naman ako ngayon. Today is the day that I'll meet the guy na in-arrange marriage nila Dad sa akin. But I have no intention to follow their command. 

Magkikita raw kami sa main mansion ng Quinn's Clan that's why nag-aayos ako kasi makikita ko na naman ang lola kong pinaglihi ata sa demonyo dahil sa sama ng pag-uugali. No wonder, baka kay lola nagmana si Dad kaya siya ganun. 

Nang makalabas ako ng kwarto ay nakasalubong ko si Ellesse. Parang wala siya sa mood ngayon dahil sa expresyon ng mukha niya. 

"Okay ka lang?" Bungad kong tanong sa kanya.

Binalingan naman niya ako ng tingin, "Andiyan ka pala Gianna. Hindi kita napansin." Aniya. 

"Okay ka lang ba?" Pag-uulit kong tanong sa kanya.

Tumango naman siya at tsaka umiwas ng tingin sa'kin. Tumayo siya at may kung anong hinalungkat sa may drawer doon sa kinalalagyang ng flat screen Tv. Ako naman ay naglakad patungo sa fridge para kumuha ng makakain. Wala kasi si Olivia e kaya walang nakaluto. Marunong naman akong magluto pero mas prefer ko talaga ang luto ni Olivia kasi masarap ito. 

"Siya nga pala Gianna. Kilala mo ba 'yung lalaking nakasama natin doon sa boys' dorm do'n sa may entrance?" 

Natigil ako sa pagbukas ng pagkain nang marinig ko ang tanong niya. Saglit akong nagtaka. 

"Sino doon sa tatlo?" Balik kong tanong sa kanya. 

"That tall, dark man," aniya. 

"Ah, si Damonn ba kamo?” Tumango naman siya. 

"Oo, kilala ko siya. Kaklase ko kasi siya." 

"'Yon lang?" nagtataka pa niyang tanong sa'kin. 

Ba't parang gusto niyang makarinig ng ibang sagot sa'kin? She's acting weird today.

I hummed, "Iyon lang, hindi naman kami masiyadong close no'n. Bakit? Crush mo noh?" Panunukso ko sa kaniya. 

Bigla namang namutla ang mukha niya at mabilis siya tumalikod sa'kin, kunyari na may kinukuha siya sa drawer. 

Oh my… So it's true. May pagtingin siya sa lalake na 'yun? Not gonna lie, Damonn is tall, dark, and handsome na sigurado akong pagtitinginan talaga ng mga babae. But not me… hindi ko tipo ang mga ganung lalaki.

"Hindi a! Nagtatanong lang e!" Depensa niya.

Napangisi naman ako. Maasar nga, haha! 

"Ayieh! Kunyari pa 'to." 

"Gagi! Hindi nga! Nagtataka lang ako kasi akala ko may ka love triangle ka!" 

Natigil naman ako sa pagnguya sa sinabi niya. 

"Ay, mali! Love square pala, tama ba 'yun? Love square, kasi tatlo silang lalake." Makabuluhan niyang sabi. 

Why did I sense another meaning to that words? Tsaka, ano bang pinagsasabi niya? Kutusan ko siya diyan e!

Masama ko naman siyang tiningnan, "Ikaw talaga, kung ano-anong pinagsasabi mo diyan. Mamaya magkatotoo 'yan kahit hindi naman talaga." Pananakot ko sa kaniya. 

I know she likes that tall, handsome man, Damonn. She can't lie to me. Malakas ang pakikiramdam ko sa mga taong nakapaligid sa'kin. Hindi naman ako manhid. In denial lang. Haha! 

The Rare OnesWhere stories live. Discover now