Kabanata 21

1.8K 65 1
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
  Kabanata 21.
Luna‘s Attunement
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Luna's Point of View 

Kanina ay tinanong ko si Shamil kung bakit niya ba iyon ginawa but then she just ditch me nang may tumawag sa kanya tsaka hindi na niya ako binalikan pa. 

Hapon na nang maisipan kong tawagan si Miles sa ibinigay niyang numero. Ginamit ko ang telepono dito sa dorm para tawagan siya kasi nga nawala na 'yung phone ko na bagong bili pa ni mom sa 'kin.

 I'm really struggling with this attunement of mine. Gusto ko na talaga malaman kung anong attunement ko para hindi na ako mangamba pa kung sakali man na may dumukot na naman sa 'kin ng gano'n. 

Pumayag naman siya. Nagbihis na ako at lumabas na sa kwarto nang madatnan ko sina Ellesse at Elleanor sa pinto na bahagya ko namang ikinagulat. Mukhang hinihintay nila akong lumabas. 

“Sa'n ka punta?” biglang tanong ni Elleanor.

“To the moon!” Sabay lagpas ko sa kanila. 

Hindi naman sila natawa sa sinabi ko. Okay, minsan na nga lang ako mag-joke. 

“It's not even funny, Gianna.” Masungit na wika ni Ellesse.

“I'm going outside. May lakad ako ngayon,” sagot ko sa tanong nila. 

“To where?” usisa naman ni Ellesse.

“Do I need to answer that?” 

“Yes! I mean look at you! Baka mapahamak ka na naman.” Mabilis na sagot ni Ellesse.

Mapahamak? Kailan ko sinabi na galing sa pahamak 'tong sugat ko sa ulo?

“Huh?” 

“I mean, t-those girls! 'Yung umaway sa 'yo kanina. Baka balikan ka na naman no'n. You know bitches like them won't stop until they're satisfied.” Paliwanag ni Ellesse sa 'kin.

“Les is right Gianna,” sagot naman ni Elleanor.

“I can handle myself, okay.” Sagot ko habang kumuha ng tubig sa refrigerator.

Nakasunod pa rin sila sa'kin. Kanina pa 'yan sila. As if they have done something wrong with me. Ayoko man isipin ang bagay na 'to but I can't stop with the thought na what if sila ang dumukot sa 'kin.

I can't think of any other person na kilala ako. Besides, I don't know them that well. I don't fully trust them pero nirerespeto ko naman sila bilang kaibigan ko. 

About that thing that they're talking about. Hindi ko muna ito kinuha sa pinagtataguan ko nito. I can't risk it. Tsaka na kapag lumabas na 'tong munting attunement ko na sa tingin ko ay Air attunement. 

It's just a guess, nothing is certain yet. 

“Okay, just be careful. Maraming galit sa 'yo riyan sa campus dahil sa… alam mo na. Call us if ever you need help.” Elleanor sincerely said. 

Tumango naman ako. Napahinto rin ako sa paglalakad patungo sa pintuan nang maalala ko na wala na pala ang phone ko. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi na lang sinabi sa kanila na wala akong phone. 

I got their number though. Okay na 'yon, beside hindi ko naman talaga sila tatawagan. 

Narating ko na ang training room na pinagkasunduan namin ni Miles. Nang makapasok ako ay bigla na lang may lumipad na bagay patungo sa'kin. Mabilis ko naman itong nailagan at tumama ito sa pintuan. 

The Rare OnesWhere stories live. Discover now