Kabanata 44

1.2K 43 0
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
  Kabanata 43.
The fight begins
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Tumayo si Olivia sa kinauupuan niya. May tumawag kasi sa kaniya at kailangan niyang lumayo kasi masiyadong malakas ang tugtog. Sinagot niya kaagad ang tawag. “Yes? Don't worry. I'm on it right now. Yes, target on sight. Should I really kill her? Boss?” Nag-aalinlangan niya pang tanong sa boss niya. 

Ibinaba na niya ang telepono nang makuha niya ang sagot. Babalik na sana siya sa kinauupuan niya ng bigla na lang mamatay ang ilaw. Doon na nagsimula ang mga hiyawan. Mabilis na naalarma si Olivia. 

“Fvck! Akala ko ako lang ang may habol sa kaniya. Marami pala kami?” Anas niya at mabilis na gumawa ng baril na gawa sa attunement niya. 

Kaagad niyang kinuha ang night vision glass niya na isinuksok niya sa boobs niya. Tinanggal na muna niya ang maskara sa mukha niya at sinuot niya ang night vision. 

Nang maisuot niya ito ay mabilis siyang napailag nang may mga dagger na gawa sa ice ang nagsiliparan sa direksyon niya. 

Samantala, nagsasayaw pa sina Luna at Zyriex nang bigla na lang mamatay ang ilaw. Nasa gitna sila ng dance floor kaya naman ay mabilis pa sa alas kwatro na hinila ni Zyriex si Luna para protektahan ito. Ngunit sa hindi inaasahan ay tumilapon na lang siya bigla papalayo kay Luna. Madilim ang paligid kaya hindi niya nakita ang nangyari. 

Nabigla naman si Luna nang mapansing nawala si Zyriex sa tabi niya. Naalarma naman siya sa paligid. She immediately sharpens her senses. Nang may masense siya sa tabi niya ay kaagad niyang hinawakan ang kwentas niya. She needs to secure it first.  

When she's ready to use her powers ay ganun na lamang ang pagkakabigla niya nang may dalawang tao na humarang sa kaniya, animo'y prinoprotektahan siya. Kasabay naman no'n ay ang pagbalik ng ilaw. 

May malakas na pagsabog din ang kasunod no'n at doon na tumambad sa paningin ni Luna ang mga nakahandusay at duguan na mga tao sa paligid. May iba pa na nagsitakbuhan papalabas ng grand hall. 

“Sino kayo?” Nalilitong tanong ni Luna nang may sumulpot sa tabi niya na dalawang tao. 

Ang isa ay lalaki at ang isa naman ay babae. Hindi niya mamukhaan ang mga ito ngunit kaagad niyang nakilala ang lalaki. It was Miles.

Bigla naman na inatake ni Miles ang isang babae na dumikit kay Luna. Akala niya ay kalaban ito. He immediately manipulates the shadow at ipinulupot niya iyon sa leeg ng babae without him knowing na si Shamil pala ito. Also the hired bodyguard of Luna. 

Pinasadahan niya ng tingin si Luna. Napansin niyang nakahawak ito sa kwentas niya ng mahigpit. “Stay close with me, Young Lady.” Anas niya rito. 

Bigla naman siyang tumilapon no'ng sinipa siya ni Shamil. Nakabihis na si Shamil kaya hindi siya nakilala kaagad ni Luna. Pero nakasuot pa rin naman siya ng maskara. Pinalitan lang niya ang kaniyang dress kanina ng iba pang dress na mas flexible sa paglalaban nila ngayon para naman walang maghihinala sa kaniya na pinaghandaan niya ang labanan na ito. 

Blood is now everywhere. Luna, did her best to secure the necklace. Ngayon ay alam na niya na siya ang pakay ng mga ito ay napilitan siyang lumaban. Mabuti na nga lang at flexible ang suot niyang dress sa labanan. Nahiwalay sa kaniya si Miles at nawala iyon sa paningin niya. Maski na si Zyriex na kanina niya hinahanap sa paligid. 

The first thing she did was run. Kailangan niyang makaalis sa lugar na 'to para hindi nila makuha ang kwentas. While she's running ay bigla na lang siyang tumilapon nang may sumabog sa nilalakaran niya. But she manages to land safely. Medyo napuwing siya sa nangyaring pagsabog.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now