Kabanata 53

1.1K 34 0
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 53.
The Others Dark
Past
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

*Kinabukasan. 8:30 am. Quinn Hospital*

Nakaupo si Olivia sa isang private room ng Quinn's hospital. Kaharap niya ngayon ang kaniyang kuya Enzo at ang kaniyang ama na umiiyak pa dahil sa panghihinayang.

“Bakit mo ginawa ang bagay na 'yon, Oli? Bakit?” Galit na tanong ng kaniyang Kuya Enzo.

Napapikit naman siya at pinipigilan niyang kumawala ang mga luha na nagbabadya sa mga mata niya.

“I-I want to avenge Mom! Gusto kong pabagsakin ang pumatay sa kaniya! Is that wrong, Kuya?” Puno ng tapang niyang wika.

“A-Anak…” Her Dad's voice cracked. Umagos na ang mga luha niya nang marinig niya iyon mula sa kaniyang ama. 

“Dad, gusto ko lang pabagsakin ang pumatay kay mommy. I want to avenge her death. Ang sabi ng organisasyon na sinalihan ni Mom ay pinatay raw siya ng isa sa miyembro ng Ixtal Organization. Iyon lang naman ang plano ko e, iyon lang. Hindi ko naman alam na ta-traydorin ako ng gano'n ni Boss.” Umiiyak niyang paliwanag sa kaniyang ama.

“Alam mo bang pwede kang makulong sa mga pinaggagagawa mo? Ha! Olivia!” Galit na asik ng kaniyang kuya na nagpapitlag sa kaniya.

“That bullshįt organization, Olivia. Sila… sila ang nanakit kay mommy! They just gaslighted you! Alam mo ba iyon? Ang tanga-tanga mo, Oli! Ang tanga-tanga mo!” Galit na galit na wika ng kuya niya na napahilamos pa sa mukha.

Napahagulgol naman siya sa sinabi ng kaniyang kuya. Alam niya… alam niya ang katotohanan na iyon noon ngunit nabulag siya ng paghihiganti. Isinawalang bahala niya ang katotohanang iyon at hindi niya pinaniwalaan. Mas pinili niya pang paniwalaan ang organisasyon na kinabibilangan ng kaniyang ina. Ngayon na totoo nga ang bagay na iyon ay labis na labis na ang pagsisisi niya.

She killed hundreds of innocent souls. Ginawa siyang mangmamatay tao ng kaniyang boss. Deserve niya ang makulong. Deserve niya ang mga nangyayari sa kaniya ngayon.

“Stop it, Enzo. I should have told you all the truth on that day. Kasalanan ko. Kung meron mang makukulong dito ay ako iyon.” Ang sabi ng kaniyang ama.

“Papa naman! Huwag niyo namang kampihan ang kamalian ni Olivia. Alam niyo naman hindi ba. Alam niyo kung bakit ako naging detective. Nang dahil sa kaso na 'to. Gusto kong mapabagsak ang noxious organization na 'yan na siyang pumaslang kay Mama!” Ang sabi pa ng Kuya niyang si Enzo.

Umiling-iling naman ang kanilang ama, “Hindi… hindi niyo naiintindihan. Hindi pa patay ang mommy ninyo. Hindi pa patay si Orlea.”

Nanalaki naman ang mga mata ng dalawang magkapatid sa narinig nila mula sa kanilang ama. Napapunas sa luha si Olivia ng wala sa oras habang nakakunot pa rin ang noo niya.

“Dad, a-anong ibig ninyong sabihin?”

“Buhay pa ang mommy ninyo. Itinago ko siya sa inyo sapagkat hinahanap rin siya ng organisasyon na iyon. Sa takot na baka matuntun siya muli ng mga iyon ay pinili kong ilihim sa inyo ang katotohanan. Ayoko na masangkot kayo at baka kayo na naman ang habulin ng mga hayop na kasamahan ng inyong ina.” Paliwanag ng ama nila.

“Dad… What are you talking about?” Hindi makapaniwalang tanong ni Enzo sa ama.

●∘◦❀◦∘●

Nakaupo si Lyka sa kama ng hospital. Kasama niya sa loob ng tinutuluyan niyang silid ang kaniyang Uncle na si Lance na nagkamalay na ngayon kahit na marami itong sugat na natamo at muntik ng bawian ng buhay. Nasa kabila rin ito ng kama katulad niya. Umiiyak siya ngayon habang nilalaro ang mga kamay niya. Hikbi pa rin siya ng hikbi at tila hindi niya mapigilan ang mga luha niya sa pagbagsak.

The Rare OnesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora