Kabanata 23

1.7K 55 6
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 23.
Anger
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝


Luna's Point of View

Narating na namin ang rooftop ngunit nahinto nga kami sa pintuan dahil hindi namin ito mabuksan.

“I can freeze it but we're not allowed to destroy the school so—” I cut her off.

“Do it! Maibabalik ba nila ang oras kapag nasaktan si Olivia? Hindi 'di ba? Gawin mo na at ako na ang mananagot sa lahat ng damage.”

Nakita ko pa na nagdalawang isip si Elleanor ngunit kaagad din niyang ginawa. Matapos niyang gawin iyon ay mabilis kong sinuntok ang pintuan sa abot ng lakas ko.

Umawang ang labi ni Ellesse at Elleanor nang gawin ko iyon ngunit hindi ko na sila pinansin pa at nagmartsa na papasok no'ng mabasag ko ang pintuan.

Sa pagbukas pa lang ng pintuan ay nagtama kaagad ang paningin naming dalawa ni Stella. Kaagad din na sumugod ang dalawa niyang kasama na si Daniella at Cath.

“Go now, Gianna! Kami nang bahala sa dalawang 'to.” Ang sabi ni Ellesse.

Tumango lang ako sa kaniya bilang sagot. Patakbo akong sumugod kay Stella. Sa pagtakbo ko ay pinulot ko rin ang isang kahoy na sa tingin ko'y pinangpalo nila kay Olivia.

Damn! Lulumpuhin ko talaga sila atsaka papatayin.

Inambahan ko ng ng palo si Stella ngunit mabilis naman siyang nakailag at pumalayo sa'kin. Hinarangan ko kaagad si Olivia at mariin na tiningnan si Stella.

“Now here they are. Her friends.” Itinaas pa niya ang kamay niya as if mimicking the word friends.

Umikot ako at mabilis na tinanggal ang piring sa mata ni Olivia. Tinanggal ko rin ang lubid na nakatali sa buong katawan niya.

“Olivia! Olivia!” Tawag ko sa kaniya.

Nawalan kasi siya ng malay kaya mas lalo akong nag-igting sa galit. Bigla na lang may marahas na humila sa buhok ko kaya nakaladkad ako papalayo kay Olivia. Ginamit ko naman ang pagkakataon na iyon para lagyan si Olivia ng air barrier na recently ko lang na master.

Umikot ako't malakas na pinatid si Stella sa kaniyang tuhod dahilan ng pagdaing niya at napaatras pa siya palayo sa kinatatayuan ko.

“Gianna ilag!” Just before the lightning strikes me ay nakailag na ako. Tumama naman iyon kay Stella na papatayo na sana.

Masama kong tiningnan 'yong 'tinatawag nilang Daniella. I use some of my power and blast an air pressure at tumilapon nga sila. Nauntog pa ang ulo nito sa pader. Umikot naman ako at sinangga ang atake ni Stella sa'kin.

Earth ang attunement niya. Gumawa siya ng sandata na gawa sa bato. Mabuti na lang at nasangga ko ang atake niya sa hawak kong kahoy. Bumwelo na naman ako para patamaan siya ngunit naunahan niya ako. Natamaan niya ako sa panga kaya lumipad ako papalayo sa kaniya atsaka bumagsak sa sahig.

Napapikit ako dahil sa sakit ng panga ko. Bahagya pa akong nahilo sa kaniyang ginawa kaya umupo muna ako saglit sa lupa pagbangon ko mula sa pagkakahiga.

“Bitiwan mo siya!”

“Mga echosera! Nanggugulo sa trabaho ng iba! Hahaha! Patayin ko kaya siya sa harapan ninyo?” Rinig kong salita ni Stella.

Ang dalawang kasamahan naman niya ay bagsak na ngayon at nakagapos na sa kapangyarihan ni Elleanor na ice.

Nang mawala ang pagkahilo ko ay doon na ako tumayo. Nasaksihan ko kung paano sinuntok ni Stella si Olivia gamit ang bato niyang kamay. Biglang nag-init ang buo kong katawan sa ginawa ni Stella.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now