Kabanata 50

1.2K 34 0
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
  Kabanata 50.
The Escape
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Atlas was still running and then hide if may makikita siyang mga kalaban. He wanted to go and find Lyka. Gusto niyang kunin ito at ng makasiguro siya na ligtas ito. Kaagad naman siyang nakarating sa hide out nila na mga councils.

Naabutan niya roon sina Ninna at Krissy habang may ginagamot sa sofa. Noong una ay hindi niya ito nakita. Tumambad naman sa paningin niya si Darcey na may dala-dala pang basang tela galing sa kwarto. Masama siyang tiningnan nito na ikinataka niya.

“Saan ka ba nanggaling?” Galit na wika ni Darcey sa kaniya.

That's when his eyes widened when he saw that Lyka was the one they were treating. Kapagkuwan ay mabilis niyang tinungo ang dalaga.

“What happened?”

“Calvert stabbed her.” Seryosong sagot ni Ninna sa kaniya.

“Si Supremo? Bakit?”

Nito lang din niya napansin na sugatan rin sina Ninna at ang kasama nitong si Krissy na seryosong-seryoso sa ginagawang paggamot kay Lyka na namumutla na.

“Hindi ko alam! Basta sinaksak na lang niya si Lyka nung nag-usap sila kanina. We're here sana para sabihin kay Calvert kung anong nangyayari sa paaralan. But then this happened, bigla na lang silang nag-away.” Paliwanag pa ni Ninna.

“Here's more,” singit naman ni Darcey na ibinigay pa ang ibang telang basa para ipamunas sa noo ni Lyka kasi nag-aapoy na pala ito sa init.

Atlas gritted his teeth in anger.

Tinulungan niyang gamutin ang naghihingalo at namumutlang si Lyka.

“Tinulungan namin siya. Supremo is so strong. Akala namin ay pupuruhan rin niya kami.” Ang sabi pa ni Ninna sa kaniya.

May narinig naman silang pagsabog sa labas kaya lahat sila ay napapitlag. Naging alerto naman si Atlas at mabilis na tinalian ang sugat ni Lyka sa tiyan.

“We need to get out of here. Kailangan natin pumunta sa dormitory, ligtas tayo kapag nasa loob tayo ng dorm natin.” Mariin niyang wika sa mga ito.

Hindi naman nagreklamo sina Ninna, Krissy, at Darcey. Kaagad naman nilang inalalayan si Lyka while Ninna and Krissy are now peeking into the door. Tinatanaw nila kung may mga armadong pulis ba sa labas. Nang makumpirma ay kumilos na kaagad sila.

———

Samantala, nagmamadaling pumasok si Sally sa office ng ama ni Luna. Nadatnan niya ito na nakikipaghalikan sa asawa nito kaya kusa siyang napatalikod habang hinihingal pa. Hindi na kasi siya kumatok dahil sa nakuha niyang balita mula sa paaralan ni Luna.

“What the fvck are you doing, Sally?” Galit na anas nito sa kaniya.

“Knock first before you enter, will you?”

“I'm really sorry Mr. Quinn but Luna is in danger again.” Mabilis niyang wika na ngayon ay nakaharap na sa mag-asawa.

Nanlaki naman ang mata ni Abilianna, ang ina ni Luna. “Ano? Na naman?” hindi makapaniwalang anas nito sa kaniya.

Tumango naman si Sally, “Bigla na lang nagka lockdown ang paaralan nila. Nalaman ko rin mula sa ibang mga kaibigan ni Luna na hindi rin nila ma kontak ang mga anak nila na nasa loob pa ng paaralan. Baka kung ano na pong nangyayari kay Luna.” Mahinahon ngunit kinakabahan niyang wika.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now