Kabanata 7

2.3K 81 2
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 07.
Luna's reflexes
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝


Luna's Point of View

Nasa hapag-kainan kami ngayon. We're having breakfast at kasabay ko silang lahat ngayon.

They're all dressed up. Mukhang may kaniya-kaniya silang lakad ngayon.

Ako lang ang wala

"Luna anak," malambing na tawag ni mom sa 'kin.

"Hmm," tanging sagot ko kasi may laman ang bibig ko ngayon.

"I heard there's a commotion here yesterday. Is that the outcome?" pagtutukoy niya sa naka-band aid kong pisngi.

Tumingin ako kay dad pero nakayuko lang siya at patuloy na kumakain. Tumingin ako kay kuya at gano'n lang din ang reaksyon niya.

Inilihis ko muli ang tingin ko papunta kay Arabella pero mabilis lang siyang nag-iwas ng tingin sa 'kin tsaka kumuha ng ulam sa may unahan

What are they doing? Hindi ba nila inin-form si mom patungkol sa nangyari kahapon?

"I'm asking you, Luna Abigail."

I got chills all over my body nang marinig ko ang napaka-seryosong boses ng ina ni Luna.

"Did dad didn't told you about it, Mom?"

I don't know but I got nervous. Feeling ko isang maling sagot ko lang ay matatamaan ako sa bago kong mommy ngayon.

"I am asking you, Luna." pag-uulit niya ngunit ngayon ay mas mariin na.

Patuloy lang siya sa pagkain. Ni hindi nga niya ako tiningnan nang tanungin niya ako kanina.

"Yes, Mom," sagot ko.

Nahirapan pa akong lunukin ang nginunguya ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon.

Bakit parang ako pa ang may kasalanan?

"Sinong nakalaban mo?"

"Fiance ni kuya," maikli kong sagot.

Buti na lang magaling akong magtago ng nararamdaman. Kung hindi ay halata na siguro na ninenerbyos ako ngayon.

"Of all places dito pa talaga kayo sa loob ng bahay naglaban? Alam mo bang nasira ang statue na pinakaiingatan ko?"

Nang sinabi iyon ni mom ay naramdaman ko talaga ang inis doon.

Napansin ko rin na halos lahat sila ay napatigil sa pagkain at mukhang pinipigilan rin ang paghinga nila.

Dang! Mas nakakatakot pala ang mom ni Luna kaysa sa dad niya. Ewan ko pero kakaiba sila kung magalit.

Maski sistema ko ay natitibag sa mga aura nila.

"Hon..."

Napapitlag ako at nabitawan ko pa ang kutsara at small knife na hawak ko ng padabog na ibinaba ni mommy ang kutsara at small knife niya.

Si dad yung nagsalita kanina at maski silang lahat ay nabigla rin.

"Wag mo akong ma hon-hon, Blake! Baka 'di kita matantya at tatamaan ka sa 'kin." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mom.

Great, they're fighting in front of us.

Napansin ko naman si Ara na dahan-dahan na ini-usog ang upuan niya papalit sa 'kin habang may binubulong siya na malakas naman sa pandinig ko.

The Rare OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon