Kabanata 31

1.5K 51 1
                                    

Kabanata 31. New drug

Luna's Point of View

Nakahiga ako ngayon sa kama at nakapikit na. Bigla na lang may kumatok sa kwarto kaya napadilat kaagad ako ng aking mga mata.

Pagbukas ko ay bumungad sa'kin si Zyriex. I look at him with my sleepy eyes.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kaniya na namamaos ang boses. Antok na talaga kasi ako.

Hindi naman niya ako sinagot. Bigla na lang siyang pumasok sa loob. Saglit akong natulala sa ginawa niyang pagpasok.

"I want to talk to you," sabi niya.

Hindi ko pa nga siya nasagot nang bigla na namang sumulpot si Matt sa gilid ko. Nasa pintuan pa kasi ako e.

"Ano naman ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Matt na naiinis na.

Tiningnan niya lang ako at hindi sinagot. Binalingan niya ng tingin si Zyriex na ngayon ay nakaupo na sa kama habang nakatingin sa'kin ng masinsinan.

"Zy, let's go! Hindi diyaan ang kwarto natin. Lasing ka na." Nahimigan ko ang pagkaseryoso sa boses niya.

"I'm not drunk Matt. Leave me alone!"

Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Zyriex. Ngayon ko lang siya narinig na nagalit.

"Gianna, right? Can you take care of him? Inaantok na talaga ako e. I'm done babysitting him. Please…" nagningning pa ang mata niya na para bang ako na lang ang pag-asa niya.

He even does the please sign. He looks cute though. Parang kanina lang napakaseryoso niya. Napakurap ako ng isang beses tsaka tumango sa sinabi niya.

"Yes! Thank you, Gianna, you're a lifesaver! Just be careful with him. Nangangagat 'yan, haha!" ibinulong lang niya sa'kin ang huli niyang sinabi bago siya maglaho sa harapan ko.

Napalunok ako sa huli niyang sinabi at nagmistula akong estatwa sa kinatatayuan ko ngayon. 

Bigla namang akong hinila ni Zyriex at marahas niyang isinara ang pintuan. Napapitlag ako sa kaniyang ginawa. Jusko! Hayop ba tong kasama ko kasi nangangagat daw e.

"A-Ano bang gusto mong pag-usapan natin?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya.

Hindi ko alam! Basta kinakabahan ako ngayon habang nakatingin siya sa'kin ng masinsinan.

Hinila niya ako at pina-upo niya ako sa kama. Umupo rin naman siya sa tabi ko. May kinuha siya sa drawer at bigla niya iyong pinunas sa kabilang pisngi ko.

Nagulat ako sa ginawa niya kasi medyo basa kasi ito. "Ano ba!" Inis kong sambit.

Masama naman niya akong tiningnan. "He kissed you," sabi niya na puno ng pangigigil.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paksh*t! Nakita niya ba kami ni Damonn kanina?

"That damn Matt," nawala rin ang pagkagulat ko sa sunod niyang sinabi. Parang nakahinga uli ako nang marinig ko iyon.

Akala niya siguro hinalikan ako ni Matt sa pisngi, e, bumulong lang naman siya sa'kin.

"Hindi niya ako hinalikan! Tsaka bakit naman niya ako hahalikan. Hindi ko naman siya kaano-ano. May ibinulong lang siya sa'kin." Wika ko sa kaniya sa naiinis na boses.

Doon ko lang napansin na wipes pala ang pinangpunas niya sa pisngi ko. Hindi ko talaga alam kung anong pakay ng lalaking 'to sa'kin. Gusto niya ba ako o pinaglalaruan niya lang ako.

"Dali na! Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Inaantok na ako!" reklamo ko pa sa kanya.

"I want you to be my wife."

The Rare OnesWhere stories live. Discover now