Epilogue

2.2K 63 5
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Epilogue.
The Rare Ones
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

PS-Read until the end, please.

*3 years later*

Luna's Point of View

Losing someone you love is one of the most painful experiences in life. It can be hard to move on and find meaning in the midst of grief. But there is hope and healing in the process of letting go and living fully. Minsan talaga sa buhay natin, kailangan nating tanggapin ang mga nangyari na. Walang magandang maidudulot kung babaguhin mo ang iyong nakaraan kung ang mundong kasalukuyan mo naman ang masisira.

That's selfish, I guess?

At kung bibigyan lang din naman ako ng pagkakataon na itama ang nakaraan ko ay hindi ko gagawin iyon. Ayoko ng masangkot pa sa kahit anong time machine na 'yan. Sapat na ang mga nakuhang kong pasakit noon.

Nakaupo akong nakatulala dito sa may puntod. Pinagmasdan ko ang naka-tiles na lapida.

'FROST'

It's been three years ngunit sariwang-sariwa pa rin sa'kin ang katotohanan. Syempre, tanggap ko naman e, pero may bakit talaga.

Bakit kailangan mangyari iyon? Bakit kailangan kong pagdaanan 'yon? Pumapatay ako ng tao therefore I am not a good person. Siguro'y parusa na rin sa'kin ang lahat ng 'to. For me to learn from my whole mistakes in life. Ngunit saan ba ako nagkamali? Ang pagpatay ba sa mga taong mas masahol pa sa'kin?

Napayuko ako at nagbabadya na naman ang mga luha ko. Ayoko na may masaktan na naman nang dahil sa'kin. Ayoko ko na ng ganun. Nakakasakal na.

“Umiiyak ka na naman? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi mo kasalanan ang mga nangyari?”

Tuluyan na akong napahikbi nang marinig ko ang boses niya. Nag-angat ako ng tingin mas bumuhos pa ang luha ko nang masilayan ko ang mukha niya.

“Z-Zy…” my voice cracked. Nakagat ko ang sariling labi.

Lumapit siya sa'kin at niyakap niya ako na nagpahikbi na naman sa'kin muli. “Shh! It's not your fault, okay? Stop blaming yourself. Matagal na 'yun my wife. I don't want to see you suffer anymore.”

“I'm sor— aray!” Masama ko siyang tiningnan nang malakas niya akong binatukan.

“Isa pa! Isa pa't magagalit na talaga ako sa'yo.”

Inis kong pinunasan ang luha ko. Biglang nawala ang lungkot na naramdaman ko at napalitan iyon ng inis. Okay na sana. Ba't nambatok pa siya?

Masama ko siyang tiningnan.

“Gągo ka a! Nandito tayo sa puntod ng kapatid mo. Umayos ka nama— argh!” Napahawak ako sa ulo ko nang bigla itong sumakit at may mga imahe akong nakikita.

“Wife, masakit ba? Sorry… dapat pala hininaan ko lang. Patingin,”

Nahawakan ko kaagad ang kamay niya, “Pumpkin, I-I remember now.”

“Remember what?”

“The reason why I killed your twin sister.”

That's right. Ako ang pumatay sa kakambal niya at ang nakakatawa pa ay ngayon ko lang natandaan ang rason ko kung bakit ko pinaslang ang kapatid niya.

“What is it then? I want to hear your reason.” Nagbago ang tono ng boses niya.

Nang tingnan ko siya ay seryoso lang siyang nakatingin sa'kin. Back with his bare face again. Nilingon ko ang lapida ni Zyraxe.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now