Kabanata 33

1.5K 52 1
                                    

Kabanata 33. The key

Luna's Point of View

“Is she okay now?” Tanong ko kay kuya habang kinukuhanan niya ako ng dugo.

Nasa hospital kami ngayon at pinagamot ko si Sally kasi nga nabaril siya sa tiyan niya. Kaya naman ako kinukuhanan ni Kuya Blaze ng dugo ay iimbestigahan daw nila ang gamot na pumasok sa katawan ko. Late ko ng nalaman na may tumusok na injection sa likod ko na hindi ko naman ininda sa mga oras na nakikipaglaban ako kahapon sa mga lalaki na iyon.

“Gigising din siya, siguro mamaya. Hindi ka pa ba papasok sa klase mo? Kahapon ka pa umabsent.” tanong ni kuya sa'kin.

Tumayo naman ako, “Ngayon… papasok ako ngayon.” Sabi ko.

“Balitaan mo ako kuya kung gigising na si Sally a,” paalala ko sa kaniya.

“Just one more question. Wala ka ba talagang nararamdaman na kakaiba? Baka mamaya nagsisinungaling ka lang sa'min para hindi kami mag-alala.”

Umiling ako sa sinabi niya. “Wala talaga Kuya. Balitaan mo na lang ako, okay?” sabi ko pa bago tuluyang umalis.

Nasa ground floor na ako ng hospital nang mabunggo ko ang isang lalaki. Muntik ng mahulog ang cellphone niya ngunit mabilis ko naman itong nasalo.

Muntik na 'yun a. Nahagip ng mata ko kung anong nasa screen ng cellphone niya ng hindi ko sinasadya.

Bumble Gee? Iyon ang nakita kong pangalan na ka text niya.

Inangat ko ang paningin ko at ibinigay sa lalaking naka suit ang cellphone niya nang magtama ang aming paningin. Bahagyang nanlaki ang mata ko.

“Ang laki-laki ng daanan tapos nangbubunggo ka pa?" galit niyang asik sa'kin.

Yumuko na lang ako sign ng paghingi ko ng tawad sa kaniya. Baka mamukhaan niya pa ako. Hindi pa naman ako nakasuot ng salamin sa mata.

“Atlas, kanina ka pa hinihintay ni Uncle!”

Napalingon naman ako sa tumawag sa lalaking ito. Ngunit mabilis ko ring iniyuko ang ulo ko nang makita ko si Matt. Takte anong ginagawa nila dito sa hospital namin?

Ay, oo nga pala. Hospital nga pala 'to malamang may dinadalaw sila o kaya naman may kapamilya nila na na hospital.

“Pasensya na,” anas ko sa kaniya na nakayuko pa. Sapat lang para marinig niya ang boses ko.

“Tsk! Tatanga-tanga! Mukha ka pa namang disente.” Asik niya pa sa'kin at naglakad na.

Napairap ako sa sinabi niya at naglakad na rin papalabas ng hospital. Saglit muna akong bumili ng salamin sa mata na katulad nong sinusuot ko dahil nabasag ito no'ng nakipaglaban ako.

Tanghali na nang makarating ako sa paaralan. Nang papasok na ako sa girls' dorm building ay nakasalubong ko si Shamil. Seryoso niya akong tiningnan.

“Gianna! Ba't wala ka kahapon? Okay ka lang ba?” sunod-sunod niyang tanong sa'kin.

“May nangyari lang kaya hindi ako nakapasok,”

Umiling naman siya, “Wala namang pasok. Kinansela na kasi malapit na ang anibersaryo ng paaralan. Busy sa paghahanda ang paaralan sa events.” paliwanag niya.

“E, anong ginagawa mo rito?” taka kong tanong sa kaniya.

Pinapatawag ka ng Principal,” seryoso niyang sambit.

Saglit naman akong nagtaka.

“Bakit raw?”

Nagkibit balikat naman siya, “Ewan. Hinahanap ka rin pala ni Lyka at Darcey. Inaway pa nga nila si Olivia tsaka 'yong kambal e. Muntik ng mapuruhan si—”

The Rare OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon