Kabanata 32

1.6K 49 1
                                    

Kabanata 32. New Drug Part 2

Sally's Point of View

Nagulat ako nang inilayo ni Miss Abi ang kotse gamit ang kanyang kapangyarihan. Hindi ko lubos na akalain na may kapangyarihan na talaga siya. Wala namang sinabi sa'kin si Shamil e.

That damned brat. I told her to report to me everything about the progress of Miss Abi's attunement.

Binalingan ko ng tingin si Miss Abi. I saw her smile. But her smile is different. Para bang nasisiyahan siya sa maaaring mangyari ngayon.

"One more question Sally. Can I kill them?" Nakangisi niyang tanong sa'kin na hindi ko inaasahan na itatanong niya sa'kin.

From that moment, I saw another Luna Abigail. Her fighting spirit now is glowing as if she's so excited to kill those hoodlums of Guillermo's Clan.

Kahit na nagulat ako sa tanong niya ay tumango na lang ako. I can't help but look at her in awe. Hindi ko pa nakita na ganiyan siya. Maybe, just maybe… she changes her mind after sa nangyari sa kanya doon sa rooftop.

She promised me that she will not kill until she was fully healed. Hindi ko alam kung anong fully healed ang tinutukoy niya noon ngunit ngayon ay mukhang fully healed na siya kasi tinatanong na niya na pwede ba niyang patayin ang mga ito.

Without further ado, ay nagsimula na nga kaming maglaban. Si Miss Abi sa kabila at ako naman ay dito sa kabila. Kung bibilangin ko ang makakalaban ko ngayon dito sa kabila ay mga nasa walo sila at puro mga lalaki pa.

Napangisi ako nang hindi man lang nila pinalabas ang mga kapangyarihan nila. Lalaban na sana ako nang maramdaman ko na lang na hindi na ako makagalaw pa. Parang nanigas ang katawan ko na para bang may pumipigil sa mga buto ko na pagalawin ito.

Nilapitan ako ng isang lalaki and then pinalutang niya ako gamit ang energy att niya. Ginamit ko pa ang buong lakas ko para pagalawin ang katawan ko ngunit ayaw talaga.

"Save your energy, woman. Hindi ka rin naman makakawala sa epekto ng gamot na iyan, haha!" Sabi ng lalaki.

Gamot? Kailan pa ako—

Napapitlag ako nang may maalala. Kanina pala ay may naramdaman akong tumusok sa likod ko. Hindi ko iyon inabala kasi akala ko ay bubog lang iyon sa mga nabasag na salamin ng kotseng sinasakyan namin kanina ni Miss Abi.

Anong klaseng gamot ba ang ginawa nila't pati kapangyarihan ko'y hindi gumagana?

"Just behave, okay? Hindi ka naman namin papatayin. Kukunin lang namin ang Madame mo. Pero kung magmamatigas ang Madame mo ay mamatay ka talaga." Ang sabi pa no'ng isa na nasa gilid ko ngayon.

Bahagya akong napangisi. "Mamatay muna kayo bago mangyari 'yun." Pananakot ko sa kanila kahit na alam ko na hindi iyon epektibo sa kanila.

Wala akong nagawa kundi ang tanawin si Miss Abi na lumalaban. Doon ko nasaksihan kung paano siya lumaban.

Patakbo niyang tinungo ang mga armadong lalake. Napasinghap ako nang may nagpaputok ng baril ngunit walang hirap lang itong pinigilan ni Miss Abi gamit ang kapangyarihan niya.

Hangin. She has an air att. Pareho kami ng attunement ni Miss Abi ngunit masasabi ko na kakaiba niya kung gamitin ito. Iba ang paraan ng paggamit niya nito na bahagya kong ikinahanga.

At ang mas ikinagulat ko pa ay ang paraan niya ng pakikipaglaban. She's more like a pro. How come? Paano niya natutunang lumaban sa isang buwan lamang? Nang ganiyan kahusay?

Miss Abi is a bit rare indeed as Mr. Quinn said. His daughter is definitely a different one.

———

The Rare OnesWhere stories live. Discover now