Kabanata 13

2.1K 69 0
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
  Kabanata 13.
Troubled
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝


Luna's Point of View

Midnight came and I decided again to go out. Plano kong lumabas ngayon ng paaralan to go and find out about my past organization.

I want to know if it still exist today. All I need to do  is go to the nearest computer shop to search in a dark web. Sisimulan ko na ang pag-iimbestiga ko ngayong nakapag-settle na ako sa mundong 'to.

I put on my favorite leather jacket at nagdala na rin ako ng weapons. Three small knives and one pistol na binili ko nang palihim no'ng muli akong isinama ni Sally para mamalengke.

Just in case may makasalamuha ako. Wala pa naman akong kapangyarihan sa ngayon. We did a testing of attunement lately and I just can't bring it out just for one try. Kailangan ko pang ulit-ulitin ang itinuro sa'kin ni Sir Eduard para mapalabas ko kung ano man ang attunement ko.

Nang makapagbihis ay nagsimula na akong sumabak para makatakas. Mahirap tumakas sa lugar na 'to lalo na't napakahigpit ng securities nila.

Nasa ground floor na ako ng girls dorm nang napahinto ako at nagtago dahil nakakita ako ng dalawang tao na naka cap din at balot na balot ang katawan. Mukhang marami talagang pasaway sa paaralan na 'to. Kaniya-kaniyang diskarte na lang para hindi mahuli ng mga gwardiya.

Sa postura nila ay malalaman mong babae talaga sila. Laki kaya ng dibdib nila, sinong hindi makakapansin. Nang makaalis sila ay tsaka lang ako lumabas.

“Hoy!”

Shit!

Tumakbo kaagad ako nang makita ako ng isang gwardiya. Napansin ko rin na hinabol din 'yong isang babae.

Damn! Ang bilis tumakbo nitong isang 'to.

“Tumigil ka! Sino ka? Kung isa kang estudyante ay aba'y bumalik ka sa dorm mong bata ka!” Sigaw niya sa kalagitnaan ng paghahabulan naming dalawa.

“Shit! Patay ako pag 'to gumamit ng kapangyarihan.” Anas ko.

“Ayaw mo makinig ha!”

Nakaramdam na lang ako ng kuryente sa katawan ko at mabuti na nga lang napigilan ko ang boses ko para hindi niya malaman kung babae ba ako o lalake.

Medyo malaki kasi ang suot kong leather jacket at itinago ko rin ang buhok ko sa suot kong sumbrero. Naka mask din ako as usual pero wala akong suot na salamin ngayon.

Kahit gano'n pa man ang ginawa niya ay sige pa rin ako sa pagtakbo. I can't use my pistol with him. Hindi naman niya deserve na mabaril.

It's my own fault.

Plano ko na sanang kalabanin siya using my combat ability nang bigla na lang siyang nadulas sa sahig na bahagya kong ikinabigla. Pagkatapos ay may humila sa'kin ng mabilisan kaya pagdating namin sa madilim na parte ay kaagad kong pinilipit ang kamay niya.

“Argh! Blue!”

“Blue?” I asked confusingly.

Mabilis niyang binawi ang kamay ko at lumayo siya sa 'kin while she hissed. Tumakbo na siya at iniwan niya ako na hindi man lang sinagot.

Akala niya siguro ako 'yong kasamahan niya. Isinawalang bahala ko na lang iyon at mabilis na umalis sa lugar. Thanks to her nakatakas ako sa guwardiya na iyon.

I'm at the computer shop right now. Medyo natagalan ako doon kasi nahirapan akong lumabas sa main gate nila.

I immediately searched for our organization name on the dark web.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now