Kabanata 20

1.9K 64 1
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
Kabanata 20.
Stella, the bully
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Luna's Point of View

*KNOCK!!!*

“ABIGAIL!” 

“Abigial gumising ka na diyan. Hindi ka pumasok sa unang subject. Okay ka lang ba?” 

Napabangon ako nang marinig ko ang pagkatok ni Olivia at ang pagsisigaw niya sa labas ng kwarto ko. 

“Sirain na kaya natin. Baka kung ano ng nangyari sa kaniya.” Rinig kong salita ni Elleanor sa labas. 

“Gaga! May pera ka ba pambayad kapag sinira mo 'yan." Boses naman iyon ni Ellesse.

“Aray! Ayan ka na naman. Nambabatok, kala mo naman hindi mabigat 'yang kamay mo!” 

Bumangon ako nang namimilipit pa sa kakaibang sakit sa ulo ko. Binuksan ko ang pintuan ng nakapikit pa habang hinihimas ang likod ng batok ko.

“O my god! What happened to your head Gianna?” bungad na tanong sa akin ni Olivia.

“Gianna! Okay ka lang?” tanong naman ni Elleanor.

Napadilat ako ng mata. Mabilis naman akong pumunta sa salamin. Nang makita ko ang ulo ko na naka-benda ay doon na pumapasok sa utak ko ang mga nangyari sa 'kin kagabi. 

*Flashback*

Napadaing ako at bahagyang nagising. Hindi ko maidilat ng buo ang aking mga mata sapagkat nanghihina pa rin ako. Masakit din ang ulo ko. Naramdaman kong nahiga ako sa kama. Hindi ko alam kung sinong nilalang ang nagbuhat sa 'kin basta tanaw ko lang ang pigura niya. 

“W-Who are you?” nanghihina kong tanong sa kaniya. 

Ngayon naman ay naramdaman ko ang kamay niya sa may dibdib ko kaya sa abot ng makakaya ko ay itinakwil ko ang kamay niya papalayo sa dibdib ko. 

“Stay still, gagamutin ko lang ang sugat mo.” His voice is different.

Para bang gumagamit siya ng voice changer dahil sa lalim nito. Pinilit ko pang buksan ng mabuti ang mata ko ngunit tanging naka-mask lang niya na mukha ang natatanaw ko. Hanggang sa mawalan na uli ako ng malay. 

*End of Flashback*

“Anong nangyari sa 'yo Gianna? Sumagot ka!” Sigaw ni Olivia sa 'kin. 

Nasa labas lang sila ng pintuan at hindi sila pumasok. They peek their head para makita nila ang ginagawa ko. Tinanaw ko ang bed sheet ko na puno ng dugo. Mukhang napuruhan talaga ako kagabi sa ulo ko.

Naglakad ako patungo sa kanila. 

“Okay na ako. Nadulas lang ako kagabi dahil sa dilim.” Pagdadahilan ko sa kanila. 

“Magpatingin ka na kaya sa doctor. Samahan ka namin sa clinic.” Ang sabi ni Elleanor.

Umiling ako. “Wag na, may pasok pa. Tsaka na lang siguro. Sige, magbibihis muna ako,” ang sabi ko sa kanila.

Hindi ko na hinintay ang sagot nila at isinara ko na ang pintuan ng kwarto ko. Nang matapos akong magbihis ay nagtungo na kami sa kaniya-kaniya naming silid-aralan. 

Panay tanong pa sila sa 'kin ngunit gano'n lang din ang isinagot ko sa kanila hanggang sa mapagod sila at tumahimik na lang din.

“What happened to your head?” 

The Rare OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon