Kabanata 35

1.5K 44 1
                                    

Kabanata 35. Tazia, the assassin

Luna's Point of View

Narating namin ang bahay nila Zyriex. Malaki ang bahay nila at masasabi ko na medyo may kalayuan ito. Bahagya pa kasing akong nakatulog sa haba ng byahe e.

Dahil sa haba ay pati si Zyriex na katabi ko ay nagising na rin. Gulat siyang napatingin sa direksyon ko. Nang mahimasmasan siya sa pagkakabigla sa'kin ay nagsalita siya.

"Where are we?" mahinang anas niya.

Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay tiningnan ko ang ulo niya kung saan nga ba banda dumudugo. Sa inis ko kanina sa kaniya ay hindi ko na natingnan pa kung saan siya nasugatan. Inilayo naman niya ang kamay ko sa ulo niya.

"What are you doing?"

Muli ay hindi ko siya sinagot. Akala niya siya lang marunong manahimik. Marunong din ako.

"Labas na kayo! Late na ako, put*ng*na!" Ibinulong lang ni Matt ang huli ngunit dinig na dinig ko naman iyon.

Lumabas na ako at ganun din ang ginawa ni Zyriex. Sa paglabas namin ay napakamot pa siya sa ulo at doon ko nakita ang dugo sa ulo niya.

"Shit!"

Nagmadali akong lumapit sa kaniya. I compress my handkerchief on his wound dahil dumugo pa pala ito hanggang ngayon. Saan ba kasi tumama ang ulo niya?

Hindi pa nga ako nakapag pasalamat kay Matt nang humarurot na ang sasakyan niya papaalis.

"Oh, we're in our house." Sabi niya.

Tiningnan ko naman siya ng hindi makapaniwala. Para bang wala lang sa kaniya na nandito kami. May saltik ata 'to sa utak e.

Pagpasok namin sa bahay nila ay may iilang maids na sumalubong sa'min.

"Sir, napadalaw po kayo?" tanong ng isang maid.

Sa tingin ko ay isa siyang head maid dahil sa postura niya.

"Bring me some first aid kit in my room. Don't tell my parents that I am here. Understand?"

Tumango naman ito sa kaniya. Naglakad naman siya at sumunod lang ako sa kaniya habang sinisipat ang kabuuan ng bahay nila. Malaki ang bahay nila. Kasing laki siguro ng bahay namin. Marami ring mamahaling gamit na naka-display sa paligid.

Minutes later...

"Tapos na," sabi ko.

Kakatapos ko lang siyang gamutin. Nagmistulang nurse ako ngayon sa lalaking 'to. Kahit tapos ko na siyang gamutin ay nakatitig lang talaga siya sa'kin. Kanina pa siya, naiilang na ako sa mga titig niya.

"Magsalita ka naman diyan! Mukha kang pipi e. No wonder why those guys are bullying you." Pagtutukoy ko sa nang-bully sa kaniya noon na si Atlas.

"You knew a lot, aren't you?" tanong niya.

"Huh?" e hindi ko naintindihan ang tanong niya e.

"You can call me Zyriex. I never heard you, saying my name." Parang bata niyang wika sa'kin.

Napairap ako sa sinabi niya tsaka tumayo. Tapus na ako rito. Gusto ko ng umalis at lumayo sa lalaking 'to.

Nahawakan niya naman kaagad ang kamay ko nung magsimula na akong maglakad.

"Bitaw," malamig kong wika sa kaniya.

Aalis na talaga ako.

"I-I want to apologize. Sorry kasi binaril ka ng hayop kong ama." His voice are so serious yet I sense anger in his tone.

The Rare OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon