Kabanata 48

1.1K 56 0
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
  Kabanata 48.
Matt Vs. Zyriex
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Nagtatago lang si Luna at ang mga kasamahan niya habang pinagmamasdan nila at pinapakiramdaman ang misteryosong lalaki na pumasok kanina. Nang bigla na lang silang makaramdam ng napakalakas na pwersa ng hangin na sa tingin nila ay nanggagaling sa loob ng principal's office. 

Nang maramdaman iyon ni Matt ay kusa siyang naglaho kaya hindi na siya napigilan muli ni Auilliam. Tinawag pa siya nito ngunit hindi na talaga siya nakinig pa. 

Nang dahil naglaho si Matt at pumunta doon sa principal's office ay dali-dali naman silang sumunod. 

Luna, on the other hand, became serious. Iba ang pakiramdam niya sa bawat ihip ng enerhiya na dumadaloy sa hangin. May halong lamig ito na nakakapangilabot sa balat. Kahit pa balot na balot sila ngayon ay ramdam na ramdam niya ang lamig na dulot nito. 

“Guard the area, Shamil and Miles. Baka anytime matutuntun tayo ng kalaban dahil sa kakaibang enerhiya na'to.” Ang bilin niya sa dalawa niyang bodyguard. 

Pasimple lang na tumango ang dalawa habang sinisipat ang paligid kung may tao ba na nakatingin sa kanila habang tumatakbo sila ngayon patungo sa principal's office. 

Nang makapasok si Luna at ang mga kasamahan niya ay umawang kaagad ang kaniyang labi sa nakita. May lumipad pa sa direksyon niya na kung anong matigas na bagay na hindi niya nailagan at tumama ito sa ulo niya. 

Medyo napalakas ito kaya naman bahagya siyang napaatras at bumangga ang likod niya kay Damonn na nakasunod lang din sa kaniya sa paglalakad. 

“Luna?” Gulat na tanong ni Damonn. 

Inayos ni Gianna ang salamin niya sa mata tsaka tumayo ng tuwid, “It's Gianna,” Mariin niyang pagtatama sa sinabi ni Damonn. 

Baka kasi may nakarinig sa sinabi ni Damonn kaya itinama ito ni Luna. Kahit pa may umaagos na dugo sa noo ni Luna ay hindi niya ito ininda. Naging seryoso kaagad sila habang mas lalo pang lumakas ang hangin.

Sa kabilang dako naman ay nabigla si Zyriex nang ipinatilapon siya ni Matt. Pinanlakihan niya ito ng mata at mabilis na inatake. He didn't even think twice. The fact that this man names Matt is somehow his friend ay nagawa niya pa ring kalabanin. 

Kung sinuman ang magiging balakid sa plano niya, kahit kaibigan pa man niya ito ay kakalabanin niya ito ng walang pagdadalawang-isip. Hindi naman nagpatalo si Matt. 

Nag-sparring ang dalawa. Si Lance naman ay hindi alam kung anong gagawin niya para matigil niya ang gulo na'to. Kailangan na nilang tumigil bago pa sila mahanap ng mga organisasyon nila. Kapag nangyari iyon ay malalagay sa kapahamakan ang mga bata na nasa harap niya. Including those students na kakapasok lang sa office niya. 

Their school is in lockdown. Any students na makikita na naglalakad sa hallway will be shot to their death. Mapa estudyante ka man sa paaralan o hindi. The safest place for the students is their respective dorms. 

Samantala, tumilapon si Matt nang masuntok siya sa sikmura. Sa pagsuntok ni Zyriex kay Matt ay kumawala ang isang napakalakas na pwersa na nagpatinag sa kinatatayuan nila ngayon ni Luna. 

“Wala siyang kasalanan Zy! You need to stop!” Galit na wika ni Matt. 

“This is it Matt, pipigilan mo na naman ba ako? Akala ko ba tutulungan mo ako?” Sabi ni Zyriex na puno ng panghihinayang habang nakangiti pa ng nakakaloko. 

“Zy! Everyone has their story! Just listen to his side.” Umilag naman si Matt nang tinira siya nito ng mga icicle.

Humalakhak ng nakakaloko si Zyriex. Mas lalong lumakas ang kapangyarihan na nanggagaling sa kaniya. In a snap ay sinasakal na niya ngayon si Matt na wala pa sa kalahati ang lakas kumpara sa lakas niya ngayon. 

The Rare OnesWhere stories live. Discover now