Kabanata 47

1.2K 44 0
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
  Kabanata 47.
Zyriex's twin
sister
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

*Before Zyriex was gone in their dormitories*

Naalimpungatan si Zyriex nang makaramdam siya ng kamay sa tiyan niya. He immediately alerted. Akala niya ay kalaban ito ngunit nang makita niya ay si Luna pala ito na mahimbing na natutulog sa tabi niya habang nakayakap sa bewang niya.

He immediately relaxed. Nakahubad siya ng pang-itaas na damit. Kaya pala nakayakap sa kaniya ang dalaga ay nilalagyan pala nito ng tela ang sugat niya sa tiyan para matigil ang pagdurugo nito.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni Luna sa tiyan niya para hindi niya ito magising. Nagtagumpay naman siya. Tumayo siya at tiningnan ang nakabukas na bintana sa kwarto niya.

Madilim pa. Sa wari niya ay mag uumaga na. Kaagad siyang nagbihis ng damit. Nang matapos ay kinuha niya ang kwintas sa bulsa niya. Tiningnan niya si Luna na mahimbing pa rin na natutulog habang nakasuot pa rin ng maskara.

“I see, nakuha nila ang kwintas na ipinalit ko sa 'yo.” Napangisi siya.

Ang hindi nila alam ay pinalitan niya pala ng peke ang kwintas ni Luna. Ginawa niya iyon nung mga oras na sumayaw sila sa dance hall na hindi man lang napansin ni Luna.

Lumapit siya kay Luna. Marahan niyang tinanggal ang maskara na suot nito. Bahagya pa siyang naiinis nang makitang panglalaki ang maskara na 'yon. At kilala niya kung kanino galing ang maskara na iyon.

“Tsk! Damonn Kenji, bast*rd!” Naiinis niyang anas.

Nang masilayan niya ang magandang mukha ni Luna ay kusang nawala ang inis niya. Napangiti siya. He caresses Luna's face. Hinawi niya pa ang hibla ng buhok nito na tumatabon sa mukha nito.

“Sorry, my wife. I'm giving this back to you.”

Marahan niyang isinuot sa leeg ng dalaga ang kwentas. Nang matapos ay hinalikan niya ito sa noo. Tumayo siya tsaka niya kinumutan si Luna. Naglakad siya sa bintana at sinara niya ito. He even sealed it with his power. Nagtungo pa siya sa cabinet niya at hinalungkat ang eyeglasses niya roon. Nilagyan niya ito ng kapangyarihan niya para masuot ng dalaga. Matapos ay inilagay niya ito sa bedside table. 

Lingid sa kaalaman ni Luna ay ang eyeglasses na suot niya ay may kapangyarihan para hindi siya makilala ng mga taong nakakikilala sa kaniya. That kind of technique is unique. Hindi lahat ng taong may kapangyarihan ang nakaaalam sa technique na iyon. Unless you're a family of scientists or doctors.

“My wife doesn't even know why she's wearing eyeglasses to disguise.”

Alam niyang kakailanganin ito ng dalaga sa oras na gigising ito. Sa inis niya ay kinuha niya ang maskara tsaka tinapon ito sa basurahan niya. Muli siyang bumalik kay Luna. Tiningnan niya itong muli tsaka siya naglaho sa ere na parang bula.

*After Zyriex was gone*

“You ready?” Tanong ni Miles sa lahat.

Naghahanda na sila ngayon kasi lalabas sila ng dorm. Katulad nang sinabi ni Matt na kailangan nilang hanapin si Zyriex bago pa ito makagawa ng kahindik-hindik na gulo.

“Ready as I'll ever be. Salamat sa damit mo.” Masiglang sagot ni Shamil.

“I'm thinking that maybe Zyriex has the necklace all time. Hindi mo ba napansin iyon Gianna?”

Casual na tanong ni Matt na nag-aayos ng combat tactical knuckle gloves sa kaniyang kamay. Kusa namang napatigil ang lahat sa itinuran niya. Tinawag niya kasi sa pangalan nito ang boss nila, e, nasa trabaho sila ngayon. Napansin naman niya ang biglang pagtahimik ng lahat. Dahan-dahan niyang inangat ang paningin niya to see that all of them are looking at him except Luna na nag-aayos rin ng combat tactical knuckle gloves na galing kay Damonn.

The Rare OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon