Kabanata 29

1.5K 54 0
                                    

Kabanata 29. Olivia's secret

Luna's Point of View

Hinawi ni Mom ang suot kong damit para makita niya ang sugat ko malapit sa dibdib ko.

"It healed fast," sabi niya na hindi makapaniwala sa nakikita.

"Isang araw pa lang ang lumipas ngunit gising ka na kaagad. Okay ka na ba talaga, Luna?" Tanong pa sa'kin ni Kuya Roy.

Tumango ako. "Medyo masakit lang po ang dibdib ko. Pero okay na po ako," sagot ko kay Kuya Roy.

"Si Ara nga pala nasaan? Ang tagal ko na siyang hindi nakita." Tanong ko. Naalala ko lang kasi si Ara, usually kasi umiiyak 'yun pag nalaman niyang nasa hospital na naman ako.

I just remember her in my memories.

"She visited here yesterday. Muntik na nga mahimatay nong nalaman niya na nabaril ka." Paliwanag ni Mom.

Napangiti naman ako. Nilingon ko si Kuya Blaze na nakatingin sa'kin na para bang may malalim na iniisip.

"Thank you, Kuya." Pasalamat ko sa kanya. Napapitlag naman siya sa kinatatayuan niya.

"For what?"

"For saving me," sagot ko.

Umiling naman siya, "No, thank yourself for fighting your life," sabi naman niya.

Mapait akong ngumiti. Bigla ko na naman na naalala ang totoong Gianna. Well, thanks to her.

"Siya nga pala anak, paano mo nakilala ang anak nila Mr. And Mrs. Frost? Tsaka, bakit ka nabaril?" Biglang tanong ni Mom.

Kaagad kong naalala ang eksena. Masyadong mabilis ang nangyari e. Ako na 'yung tumulong ako pa ang napahamak. Sa tanong ni Mom ay mukhang kilala na niya ang mga Frost.

Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo, ngunit nang sasagutin ko na sana ang katanungan ni Mom ay biglang pumasok si Dad. Kaagad na nagtama ang paningin naming dalawa.

Mukha siyang galit dahil sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Lumapit siya sa amin at doon niya inilagay ang palad niya sa noo ko as if checking my temperature.

Masama niya akong tiningnan, "Kailan ka pa nagkaroon ng boyfriend, huh?" nanlamig ako sa tanong ni Dad.

"Anong pinagsasabi mo diyan, hon?" Tanong naman ni Mom.

Muli ay napalunok ako. Mukhang alam na ata nila e. At malamang ay nakilala na rin nila si Zyriex kasi siya ang unang bumungad sa'kin nung nagising ako. Tang*na! Ako na 'tong nabaril tapos naging boyfriend ko pa si Zyriex. Ang laking pagsubok naman ata 'tong dumating sa'kin ngayon, a.

"Sagutin mo ako, Luna!" Ma-awtoridad na sabi ni Dad.

"O–Opo," sagot ko na nauutal pa tsaka yumuko .

"May boyprend ka na, Luna?" - Roydein

"And you didn't tell us?" - Blaze

Magkasunod na tanong ni Kuya Blaze at Kuya Roy.

Oo, kung ito lang ang tanging paraan para hindi matuloy ang kasal na 'yan na hindi ko naman gusto.

"And that guy's name is Zyriex, right?" Tanong uli ni Dad.

"Opo,"

"Kailan pa?"

"O-One month," pagsisinungaling ko pa.

Tiningnan ko sa mga mata si Dad, "That's why ayoko po na ipakasal ninyo ako sa hindi ko—"

"Hiwalayan mo siya, ngayon din." Utos ni Dad sa malamig na boses. Umawang naman ang labi ko sa sinabi niya.

The Rare OnesWhere stories live. Discover now