Chapter 01

7.6K 177 21
                                    

Yana Echavez

📍The Classy and Brew Lounge

It was Friday night at dagsa ang mga customers dito sa bar.

Ang mahinang liwanag ng mga ilaw ay nagbibigay ng cozy atmospher dito sa loob ng bar. It sets the mood for an intimate and enjoyable experience, allowing people to unwind and socialize. And despite the noise of the people and the music, there was a calmness in the air. Ang ambiance ay maganda at tahimik. Ang mga furnitures ay nagbibigay ng kumportable na upuan para sa mga guest.

Tiningnan ko ang bawat sulok ng bar, sinisigurado na walang magiging problema. Ang mga waiter at waitress ay naglalakad na parang mga ballet dancers, dala ang mga tray ng mga cocktail at appetizer. Ang mga bartender ay nagpapakitang gilas sa kanilang mga flair moves, habang ang mga customer ay tuwang-tuwa sa kanilang mga ginagawa.

May itinalaga akong Manager dito sa bar, but I preferred to be hands-on in my business. At sa mga gabing katulad nito, kung saan ang mga customer ay hindi lamang mga ordinaryong tao kundi mga nasa upper class ay lalo akong nagiging aktibo.

Tinitingnan ko ang mga mukha ng mga customers na nagbibigay sa akin ng kasiyahan. Just seeing their smiles fills me with happiness and makes me feel like I'm doing something right with my business. When they laugh and express their gratitude, it's a clear sign that they had a great time. Ito ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa negosyong kagaya nito. It wasn't just about the money, but the joy I saw on the faces of my customers. With every word of gratitude, I knew I had done my job.

Habang patuloy ang gabi, patuloy din ang aking pagmamasid. Sa bawat detalye, alam kong mayroon akong ginagawang tama. At sa bawat araw na dumadaan, alam kong mas lalo pang gaganda ang aking negosyo.

Nakatayo ako rito sa loob ng bar counter, pinagmamasdan ang mga taong pumapasok. Bigla, may isang babaeng nagpahinto sa aking ginagawa. Hindi ko maipaliwanag, pero may kakaiba sa kanya na hindi ko maalis ang aking tingin.

'Maganda siya' iyon agad ang ibinulong ng aking isip. Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng isang kakaibang kislap, at ang kanyang aura ay tila isang liwanag sa gitna ng dilim. Ngunit, sa kabila ng kanyang kagandahan, tila ba nawawala siya. Tinitingnan niya ang kanyang paligid, sa kanan at sa kaliwa, parang hindi siya sigurado kung saan siya pupunta. Ang kanyang suot ay hindi pangkaraniwan sa lugar na ito. Parang bagong gising, na hindi pa handa para sa gabi. Pero sa kabila ng kanyang kasuotan, hindi maikakaila ang kanyang natural na kagandahan.

Hindi ko mapigilan na hindi siya tingnan. May kakaiba sa kanya, isang misteryo na gusto kong malaman. Sa bawat hakbang na kanyang ginagawa, sa bawat tingin na kanyang ibinabato, lalo akong nagiging interesado sa kanya. May kakaiba sa babaeng ito, isang kakaibang akit na hindi ko maipaliwanag. At habang patuloy akong nakatingin sa kanya tila biglang tumigil ang paghinga ko lalo na nang papalapit na siya sa kinaroroonan ko, lalo tuloy akong nagiging interesado sa kanya.

Umupo ang babae dito sa harap ng bar counter at nakipagtitigan ito sa mga mata ko. Hindi ito nagpakita ng pagkailang o takot, tila ba sanay siyang bumasa ng mga mata ng tao.

"Hi, what can I get you tonight?" tanong ko, at para bang dito lang siya nagkamalay ulit. Napapa-isip tuloy ako kung first time ba niya sa ganitong lugar. Dahil kung pagbabasehan ko ang suot niya ay para lang itong pupunta sa tindahan upang bumili ng almusal. Walang ipinakita ang babae na ekspresyon sa mukha.

"Can I have a sophisticated and elegant cocktail, crafted with the finest ingredients and presented with a touch of class?"

Ako ata ang namamalikmata. Nang magsalita siya ay para ba itong bulaklak ng rosas na maingat na idinampi sa balat ko at gumawa ng kakaibang epekto sa buong pagkatao ko. At hindi lang iyon, sa tono ng pananalita niya ay tila galing ito sa upper class na pamilya.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now