Chapter 07

2.8K 130 15
                                    

Yana Echavez 

I made sure to dress in my sharp business suit, at hinayaang nakalugay ang mahaba kong buhok. Tiningnan ko ang relo na suot ko, it's already eight in the evening. Tama lang ang dating ko dito sa hotel and resort kung saan gaganapin ang gathering ng The Cocktail Masters Club. And only the bar owners are allowed to become members here, which creates a tight-knit community.

Every three months ang pagtitipon, kasama na rito ang meeting para sa mga susunod na events at plans para palaguin ang mga negosyo ng mga members ng TCMC. And we have established regulatory bodies within the club. I decided to join not only to receive support but also to expand my professional network.

"Yana! I'm glad to see you." Isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko. At walang iba kundi si Kaycee. Nakangiti itong lumapit sa akin at saka ito bumeso sa pisngi ko. She has a simple yet captivating beauty. Her morena complexion adds to her allure, and there's a certain sexiness in her confidence.

"Hi, Kaycee. How are you?"

"I'm good. How about you?" Naging regular customer ko siya dati nong kabubukas pa lang ang bar ko. Hanggang sa naging magkaibigan kami. As years passed by nagkita ulit kami at siya ang nag-introduce sa akin dito sa The Cocktail Master Club two years ago, kaya napasali ako rito. Ang brother niyang si Andres Jimenez ang Presidente ngayon ng TCMC. Nagmamy-ari din sila ng mga high-end bars sa Makati.

"Okay lang din ako."

Niyaya niya ako rito sa  bar ng hotel and resort kung saan naririto rin ang ibang members. Iilan lang ang kilala ko dahil napakarami namin, baka nasa fifty members kami o higit pa.

"Yana!"nakangiting bati ni Andres, he's in his mid-forties, samantalang si Kaycee ay mas bata naman sa akin ng isang taon. "....buti nakarating ka, absent ka last time."

"Oo nga, eh. Kaya I made sure na makakapunta ako ngayon." matipid kong sagot saka ko siya kinamayan. Parehong mabait ang magkapatid at nakapalagayan ko na rin ng loob si Andres kahit dito sa TCMC ko lang siya nakilala.

"The event will start at eight thirty PM, so dapat makikinig kayo. We will discuss innovation and how our business stay ahead in a competitive market. What do you think, Yana? Okay ba ang magiging topic natin tonight?"

"Of course! The topic is very interesting, Andres." saad ko.

Nagtuloy ang usapan naming tatlo tungkol sa mga negosyo. Marami na rin dumating na mga miyembro, some are older, while others are very young, like in their early twenties. And the majority are around the same age as me, in their mid-thirties.

At napatingin kami sa dalawang babae na kararating lang. Ngayon ko lang sila nakita sa pagtitipon ng TCMC. Ang isa ay parang nasa late-forties, ang isa naman ay nasa mid-twenties. Agad na ibinaba ni Andres ang hawak nitong kopita.

"Oh hi, Miss Rowena. Good evening."saad ni Andres at niyaya sila dito sa kinaroroonan namin. "...guys, I would like to introduce our new member, Miss Rowena Orazco. She is the owner of The Wine Haus. And this is her daughter, Divine Orazco."

"Hello, good evening." Nakangiting bati ni Divine.

"Hi, welcome in TCMC." saad ko saka ako nakipag-kamay sa kanila, ganon din ang ginawa ni Kaycee.

"Thank you." saad naman ni Miss Rowena.

"And this is Yana Echavez, the owner of The Classy and Brews, dalawang taon na siyang member dito sa TCMC. And this is my sister Kaycee Jimenez."

Nakangiting bumaling sa amin si Miss Rowena at saka nagsalita. "I'm pleased to meet you girls. I hope that we can establish a supportive relationship, where we can help each other, exchange ideas, and support one another's growth and success."

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon