Chapter 19

2.1K 68 12
                                    


Lucienne Auroré Fejeros

Manila, Philippines

Kagabi pa kami dumating at tumuloy kami dito sa bahay ni Yana. Napakabilis ng mga pangyayari, ngayon ay kasal na kami. At hindi na kami napaghihiwalay na dalawa. Everytime na kasama namin ang mga kaibigan at pamilya niya ay magkahawak kami ng kamay o di kaya ay naka-akbay siya sa akin. Pero kapag wala sila ay agad akong bumibitaw, baka isipin niya na gustong gusto ko ang ginagawa niya.

"So, what's your plan?" tanong ko sa kanya. Nandito kami sa sala, nakabukas ang TV habang nanonood kami ng movie. Pero kakaiba siya ngayon dahil naka-focus siya sa pinapanood habang kumain ng nilagang itlog. Parang sarap na sarap siya sa kinakain.

"Attend muna tayo sa opening ng bar sa Friday then saka tayo pupunta sa probinsya para makasama si Lola, gusto raw tayong makita."sagot niya nang hindi man lang lumilingon sa akin.

"Okay. So, kailangan ko palang sulitin ang mga araw na ito habang mag-isa ako sa kwarto. Di ba magkasama ulit tayong matutulog sa isang room kapag nasa province na tayo?"

"Bakit parang takot na takot ka na makasama mo ako sa kwarto?" This time nilingon na niya ako.

"May sinabi ba ako? Gusto ko lang naman mapag-isa."

"Ayaw mo bang nababantayan kita? Baka mamaya ano na namang gawin mo. Buti hindi mo sinunog yong hotel na tinuluyan natin sa San Francisco." ngumisi siya.

Nang mahawakan ko ang throw pillow ay inihampas ko sa kanya. Akala ko hindi niya ako papansinin kanina, ngayon tinatawanan na niya ako. Nang hahampasin ko ulit siya ay lalo siyang natawa.

"Tigilan mo yan, ah."

"Pwede bang tigilan mo rin ang pang-aasar sa akin tungkol sa sunog? Pinagsisisihan ko na 'yon. At ngayon pinagbabayaran ko pa."

"Oo na, ang pikon nito."

"Sinong hindi mapipikon sayo?"

"Uyy, inaaway ako ng asawa ko."tukso niya sa akin.

"Sira!"

Bigla siyang natawa dahil siguro sa pagsimangot ko sa kanya.

Para namang biglang nalusaw ang anumang nararamdaman kong pagka-asar. At kahit ata ang itinatago kong inis sa mundo ay nawala rin dahil sa nakakaaliw na pagtawa niya, pati ako ay natatawa na rin.

Bakit nga ba ako napipikon kapag inaasar niya?

"Lucienne...."

"Ano?"

"Don't look at me like that."

"Ha?"

"Tinititigan mo ako. Baka mamaya in love ka na pala sa akin, hindi mo lang sinasabi." Yana grinned.

"Pinapatawa mo ako, Yana. Baka gusto mong makatikim naman ng tsinelas! Lagi mo akong inaasar ngayon, ha!" Pinulot ko ang sapin ko sa paa, ipapalo ko dapat sa kanya pero nahawakan agad niya ang kamay ko.

"Alam mo, ang impression ko sayo ay mysteryosa ka at tahimik. Hindi ko akalain na kaya mong mamalo gamit ang tsinelas."

Binawi ko ang kamay ko saka ako tumayo. "Diyan ka na nga! Magluluto ako." 

Bago ako pumunta ng kusina ay kinuha ko yong remote saka pinatay ang TV para makaganti sa kanya. Halata ang pagtataka niya.

"Pikon ka, 'no?"

"Mapang-asar ka, hindi mo alam?" sagot ko.

Sarap na sarap ata siya sa pang aasar sa akin ngayon.

Nagtungo ako dito sa kusina. Naghanap ako ng mailuluto dito sa refrigerator dahil nagugutom na ako. Ayoko kasi ng nilagang itlog na kinakain niya, gusto ko lang yon kapag agahan.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now