Chapter 09

2.1K 112 11
                                    

Lucienne Auroré Fejeros

"WHAT do you mean my mom isn't here?" tanong ko sa receptionist dito sa private mental health facility, naguguluhan ako at ang boses ko ay medyo nagpa-panic. Hindi ito basta lugar lang, it was a specialized institution that provided treatment for individuals with mental health disorders. And my mom, Sofia, was supposed to be here!

"We had to transfer her to a facility that was operated by a charity." Paliwanag niya."....we haven't received any payment from your family for a year, Miss Fejeros."

"You're kidding." hindi makapaniwalang sagot ko. Imposible 'to, usapan namin ni Tita Rowena na babayaran niya ang pagpapagamot kay Mom kapalit ng pagtatrabaho ko sa bahay.

"....can you please check it again, baka mali ka ng nakitang pangalan."

"Okay, Ma'am."

But when they presented their records, ang malupit na realidad ang nakita ko. They weren't lying.

Hindi ko matukoy ang pakiramdam na bumalot sa pagkatao ko. Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw, magalit! All this time, inaakala kong gumagaling na ang mommy ko pero worst hindi iyon ang nadatnan ko rito.

Napaupo ako dito sa lobby. Hindi alam ang gagawin, at kung hindi ko titibayan ang loob ko ay baka matulad lang ako sa aking ina na nawawalan sa katinuan.

"Miss Fejeros...."nilapitan ako ng staff at may inaabot ito sa akin.

"Here's the address. Makikita mo diyan ang mommy mo, huwag ka mag-alala maayos na facility iyan." sabi niya at ibinigay sa akin ang isang piraso ng papel na may mga detalye.

"Thank you."

I'm sure pakana na naman ito ni Tita Rowena para lalong lumala ang kondisyon ni Mom. Hindi na siya naawa, kahit man lang kay Mom magpakita siya ng kaunting awa!-----napakasama niya!

Hindi ako nagsayang ng oras. Kahit medyo malayo ito ay pinuntahan ko.

"Her name is Sofia Fejeros, anak po niya ako." saad ko nang makalapit ako rito sa staff. Nagtingin siya sa record at may hinugot siyang folder, nakita ko ang pangalan ni Mom sa gilid non. At tama nga ang sinabi sa akin kanina nong receptionist, na nandito si Mom, malayo sa inaasahan kong lugar.

"...how is she?"

Malungkot ang expression ng mukha na ibinigay sa akin ng staff.

"Umaasa lang po kami sa mga donasyon na gamot, Miss Fejeros. Kaya kahit gustuhin naming gumaling agad ang mga pasyente, hindi ito madali para sa amin. That's why all we can provide is sufficient care for them."

The words echoed in my mind. Ang nakakalungkot na katotohanan, hanggang ngayon ay hindi pa rin magaling ang mommy ko. It was a bitter pill to swallow.

Malayo ito sa naiimagine ko, akala ko sa isang taon na hindi namin pagkikita ay makakalabas na siya ng facility at makakasama ko na siya.

MULA rito sa kinaroroonan ko ay natanaw ko ang pamilyar na tao, nakaupo sa bench, hindi ako magkakamali. Iyon ang aking ina, hindi pa man ako nakakalapit ay umiiyak na ako, halu-halong emosyon ang nararamdaman ko.

Sobrang sakit na makita na ganito ang kalagayan niya, nakatanaw siya sa malayo, ang dating masayahin ay hindi na iyon makikita sa kanyang mukha. Dati napupuno ang bahay ng maganda niyang boses kapag kumakanta, ang malambing niyang mga payo, ang masasarap na pagkain na kanyang niluluto------tatlong taon na rin mula nang ipasok siya sa mental health facility.

Ni hindi niya alam na wala na si dad sa mundong ito. Lumuhod ako sa harap niya habang nakaupo siya.

"Mom, I'm sorry."

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon