Chapter 15

2.7K 137 43
                                    

Yana Echavez

Ang nagdaang araw ay tila napakahaba at nakakapagod, twenty four hours na ang trabaho sa construction ng bar dahil finishing na ang ginagawa nila, kasama na roon ang pagpapakinis ng mga dingding at pintura.

Humiga ako dito sa sofa para umidlip. Mabigat na ang mga talukap ko and I was about to close my eyes. Ngunit biglang may isang malambing na boses ang tumagos sa tahimik na sala, kaakit-akit. Tinig iyon ni Lucienne, kumakanta siya and it sounded sexy. Nakakarelax ang kanyang tinig, para tuloy akong hinehele.

Tumagilid ako at patuloy akong nakinig. At ang antok ko ay napalitan ng kuryosidad, at imbis na gawin ang binabalak kong matulog ay bumangon ako at nagtungo dito sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator, kinuha ko ang pitcher at nagsalin ako sa baso ng tubig pagkatapos ay tinitigan ko ang magandang mukha ni Lucienne. Abala siya sa pagluluto at tila may sarili na naman siyang mundo. Hindi ata niya alintana ang presensya ko, patuloy siya sa pagkanta.

I watched her with admiration. At isang malamyos na emosyon ang tila bumalot sa pagkatao ko habang pinapanood ko siya sa kanyang ginagawa. It was a simple moment, but it felt incredibly significant. It's not often that I get to experience being with a woman who sings as if she's really in love. At sa sandaling ito, habang ako'y nakatayo naramdaman ko ang isang init na kumakalat sa puso ko, isang pakiramdam mas nakakagaan kaysa sa anumang tulog na maaaring nitong ibigay.

After one song, she continued. She's singing 'It's Not Goodbye' by Laura Pausini. With her sweet voice, she sang, "'Til the day I let you go, 'til we say our next hello, it's not goodbye, 'til I see you again, I'll be right here remembering when..."

Hindi pa rin niya namalayang nandito ako, patuloy siya sa pagtatanghal dito sa kusina-------at para kanino naman kaya ang mga kinakanta niya? After a while, natigilan siya at napalingon dito sa kinaroroonan ko. Umiwas agad ako ng tingin at ininom ang tubig sa baso na hawak ko.

"Yana, nandiyan ka pala. Nagluluto ako ng sinigang. Okay lang ba sayo?" tanong niya.

"Oo naman, anything, as long as it's edible, I'll eat it." sagot ko.

"Okay. Malapit na 'tong maluto. Malambot na yong karne, yong mga gulay na lang ang niluluto ko."

Tumango ako.

Ibinaling ulit niya ang atensyon sa ginagawa niya. Pinilit ko namang ihakbang ang mga paa ko pabalik sa sala bago pa ako makapag-isip ng kung anu-ano. I tried to fall asleep, at hindi naman ako nabigo. Nakatulog agad ako.

"Yana...wake up. Kakain na."

Hindi pa gaanong matagal ang tulog ko nang marinig kong muli ang boses ni Lucienne. I opened my eyes slowly and met those beautiful eyes. Nakayukod siya habang nakatitig sa akin. Naramdaman ko pa ang pagkalabit nito sa braso ko.

Hindi ako agad bumangon at hinayaan ko ang sarili ko na pagmasdan ang maganda niyang mukha.

"....hey, bangon na." Hinila niya ang braso ko pero dahil hindi ako kumilos ay hindi rin niya ako mahila. Mukhang nabigatan siya sa akin.

"Why?" tanong ko saka ako umupo.

"Nakaluto na ako."

"Ahh, sige sabay na tayong kumain." I was still sleepy, but I got up to join her for the meal. Napapahikab ako, kaya naghilamos muna ako bago ako humarap dito sa dining table. "....pati ata pagluluto na-master mo na?"

"Hindi naman, pero kung may isa mang magandang nangyari sa pagiging kasambahay ko, iyon ay ang natuto ako sa mga gawaing bahay. Hindi ko na kailangang i-asa sa iba ang mga gawain."

"Talaga? Ang sipag mo naman."

Napangiti siya, at abot iyon sa mata. Geniune ang ngiting ibinigay niya at masasabi kong isa iyon sa pinaka-magandang ngiti na nakita ko sa kanya.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now