Chapter 33

1.5K 50 6
                                    

Yana Echavez

Nagdial ako dito sa phone ko para tawagan si Jill, to tell her that my wife is missing. I didn't want to bother her because I knew she was busy in California with Anne at kasama nila ang kanilang anak na si Jian, but she was the first person who came to mind. We had planned to meet in California,  pero naudlot dahil biglaan ang pag-uwi namin ni Lucienne dito sa Pilipinas nong nakaraan.

["Oh, Yana, how are you?"] There was concern in her voice. Ramdam siguro niya dahil madalas kapag tinatawagan ko siya ay masigla ang boses ko. Pero napapabuntong hininga lang ako. [....tell me what happened?"]

"Something terrible happened, Jill." Nagsasalita ako na para bang lumulutang ang pakiramdam ko.

["Why? Sabihin mo sa akin, ano bang nangyari?"]

Inipon ko ang hangin sa dibdib ko, pinakawalan ko rin ang hangin na iyon saka ako nagsalita. "My wife is missing."

["What?! Lucienne is missing? Since when?"]

"It's been twenty-four hours. Before that, her mother went missing, someone took her mula sa mental health facility na kinaroroonan niya and I still don't know who. And now, my wife suddenly left the house habang natutulog ako. I have a strong feeling, someone is behind all of this."

["Oh God. Papupuntahin ko sayo si Detective Gonzalo, maybe he can help you."]

Nangungulap ang mga mata ko dahil nag-aalala ako para sa asawa ko.  "Thank you, Jill."

Habang nag-uusap kami  ng kaibigan ko ay panay naman ang tawag ni Mom.   "....Jill, I'll call you later, I'll update you. I just need to answer this call from Mom, she's been calling me."

["Go ahead, Yana. Let me know immediately what's going on there. Okay?"]

"Uhm-um." I ended the call with Jill and answered my mom's call. "....Mom, why did you call?"

She sniffed. Halatang umiiyak si Mom sa kabilang linya. Nagtataka ako pero hinintay kong sabihin niya ang dahilan.

"Anak, your lola Esmeralda died in her sleep." garalgal ang boses ni Mommy. Kinilabutan ako sa narinig ko, sunod nito ay ang pagkatulala ko. I can't say a word, basta na lang tumulo ang mga luha ko. It felt like my world crumbled. Sa isang iglap ay naging pasan ko ang bigat ng mundo.

I asked myself, why?

Why do these things happen to me?

"....makakapunta ba kayo agad ni Lucienne dito?"

Parang pinipiga ang puso ko sa mga oras na ito, pero pinilit kong maging kalmado. "Y-Yes, mommy." sagot ko at pinatay ko agad ang call.

Napayuko ako at dito na sumabog ang emosyon ko. Ngayon lang ako umiyak na parang bata. Kung nandito lang sana ang asawa ko ay may masasandalan ako. Oh, Lucienne please come back, kailangan kita.





ISANG araw nang nakaburol si lola Esmeralda nong dumating ako dito sa hacienda. Dalawang araw na ring nawawala si Lucienne.

Umaakto ako na kalmado lang, but deep within me durog na durog ako.

"Bakit mag-isa ka lang, anak? Where's Lucienne?" si Mom, siya ang sumalubong sa akin. Hindi ko muna sinabi sa kanila na nawawala si Lucienne, ayokong dagdagan ng pag-aalala ang hinagpis na nararamdaman nila.

"She's taking care of something, family matters." sagot ko kay Mom. Umupo ako dito sa tabi ng casket ni lola at pinagmasdan ang larawan niyang nakapatong sa salamin ng kabaong niya.

Hinaplos ni mommy ang likod ko habang nakaupo ako rito. Hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman ko. Why do I have to go through difficult challenges like these? Galit ba ang langit sa akin?

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now