Chapter 13

2.7K 135 39
                                    

Omniscient POV

A few days passed.

Nagbago bigla ang takbo ng buhay ni Rowena nang tumakas si Lucienne mula sa kanilang tahanan kamakailan. Pumayag si Lucienne na maging katulong nila sa bahay bilang kapalit sa medical treatment ng kanyang ina. Nakita ito ni Rowena bilang pagkakataon upang magkaroon ng kontrol sa buhay ng kanyang stepdaughter. Pero nang matanggap nito ang sulat ng imbitasyon para sa magaganap na kasal ay nabigla ito. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa sobrang gulat. Halos matumba siya dahil sa pagkabigla.

"Lucienne is getting married." nanginginig ang boses. Ang kanyang inisyal na reaksyon ay magkakahalong pagka-gulat, pagkalito at takot. "....no! hindi 'to totoo."

Deep inside, kahit gusto niyang paniwalain ang sarili na hindi totoo ang nabasa ay nagdulot na ito ng takot sa kanya. She was afraid of what Lucienne's intentions might be. And now, she couldn't help but think that Lucienne's plan to marry someone was a ploy for revenge. The fear of someone else influencing Lucienne's life filled her with anxiety.

Kinuha ng kanyang anak na si Divine ang hawak niyang invitation card at binasa. "Mommy, she's getting married to Yana Echavez! Isn't she the one we met at the TCMC event last time?"

Lalong nabaliw sa sarili si Rowena, hindi siya makapaniwalang sa ikli ng panahon na nawala si Lucienne sa bahay nila ay magagawa nitong ma-engaged agad.

At isa pang pinangangambahan niya ay hindi niya alam kung nasaan si Sofia. Wala siya sa mental hospital na pinaglipatan niya! Nababaliw siya sa kakaisip. Pero alam niya sa sarili niya na may magagawa pa siyang paraan para mapigilan si Lucienne sa balak nitong magpakasal.

She was determined to protect her position as Lucienne's stepmother, she made up her mind to talk to Yana. She believed that by convincing Yana to return Lucienne to the Fejeros ancestral house, she could regain control over her stepdaughter's life.

Rowena prepared herself for a conversation with Yana. She hoped that her words would be persuasive enough to convince Yana to reconsider the marriage. At hindi siya nagsayang ng oras. Kinuha niya ang contact details kay Andres Jimenez, ang Presidente ng TCMC.

"Yes, hello?" sagot ng isang boses sa kabilang linya.

"Hi, is this Yana Echavez?" Rowena's voice was calm and affectionate. She knew that by using her soft-spoken voice, she could effectively convey her sincerity and win Yana's favor. It was a skill she had mastered over time, knowing just the right approach to take to make others feel at ease and open up to her. Nagawa nga niyang paikutin sa kamay si Don Alberto Fejeros. At sa isip niya ay madali lang din pasunurin ang isang Yana Echavez, at alam niyang hindi siya nito matatanggihan sa hiling na itigil ang gaganaping kasal.

"Yes, it is. Who's calling?"

"This is Rowena Orazco, we met at the recent TCMC event and I got your number from Andres, hija."

"Yes, Ma'am Orazco. I remember you. Is there something I can help you with?"

Naririnig ni Rowena ang maingay na background ni Yana mukhang nasa construction site ito. Pero ilang saglit ay nabawasan ang ingay at mas naging klaro ang kanilang pag-uusap.

"Oh, I simply wanted to have a conversation with you. It's quite urgent, hija."

"Sure, Ma'am. I'm free today."

INAASAHAN na ito ni Yana, sigurado siyang natanggap na nila ang kanilang imbitasyon para sa gaganaping kasal. Nag-invite ng lunch si Mrs. Orazco at hindi niya iyon tinanggihan. Sa isang restaurant ay nag-meet ang dalawa. Magkaharap sila sa dining table.

Kagaya ng unang impresyon ni Yana sa babae, mapustura ito, ipinapakita lamang ng mga kasuotang damit at mga alahas na nasa magandang estado ito ng buhay. Habang si Yana ay nakasuot lamang ng kaswal na damit.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now