Chapter 40

2K 54 3
                                    


Yana Echavez

NATULOY kami dito sa park malapit sa hotel na tinutuluyan namin, sinamahan ko siyang maglakad-lakad. Sabi ng doctor bawal muna sa kanya ang magbuhat ng mabibigat pero mabuti raw para sa kalusugan niya ang magkaroon ng mga light activities kagaya ng walking.

Sinasabayan ko siya sa bawat paghakbang niya. At makikita sa kanyang mga mata ang tuwa. Holding hands kami, hindi ko hinahayaang mapalayo siya sa akin ng kahit kaunti. Hindi ko maikakaila sa sarili ko, nandito pa rin yong takot na baka mawala siya sa tabi ko. I won't allow it, kaya hanggang maaari hawak ko ang kamay niya.

"Yana, alam mo bang mayroong lumang TV sa isla?"

"Talaga?"

"Uhm-um. Napanood ko minsan na may malaking reward kapag may nakapagturo kung saan ako naroroon, kaya nabuhayan ulit ako ng loob nong mapanood ko 'yon."

Nakikinig ako sa kwento niya habang naglalakad kami.

".....ikaw ba yong magbibigay dapat ng reward? Wala kasing nakalagay doon kung sino. Inisip ko lang na ikaw 'yon."

"Meron pa bang iba, sweetheart? Kahit maubos ang pera ko mahanap lang kita. Hindi na mahalaga ang kahit anong yaman sa mundo kapag nawawala ang taong mahal mo. And I was willing to give up everything just to find you-----kahit pa buhay ko ang kapalit."

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Mukhang may naglalaro sa kanyang isipan. O may mga katanungang nabubuo roon.

"Do you really love me that much, Yana?"

Sinalubong ko ang mga tingin niya na nakapukol sa akin.

"How many times did I tell you that I love you so much, Lucienne?"

"Maraming beses na."sagot niya.

But I don't think she fully believes what I am saying. "Do you remember my grandmother's dying wish?"

"Yeah. Na magkaroon ka ng asawa."

"You know what, I could have ignored that wish. But when you came into my life, I grabbed that opportunity. I used my grandmother's dying wish as a reason para pakasalan mo ako."

Tahimik siya pero ang mga mata niya ay puno ng kuryosidad.

"....nong masunog mo ang bar, may panghihinayang din ako dahil malaki ang nawala sa akin. But I realized that was the perfect timing. Ayoko mang aminin ito, pero kahit anong atraso mo sa akin noon balewala ang mga iyon sa akin. I only had one goal, to make you mine."

"Why?"

"Because I like you. Like I said before, una palang kitang nakita tinamaan agad ako sayo. I just didn't want to admit it because of our age gap, para na kitang pamangkin."

She laughed and hugged me. I laughed too. Napakasaya namin habang nag-uusap. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Ang swerte ko pala dahil ikaw yong napangasawa ko."saad niya.

"Ows, totoo?"

"Oo, kasi mahal mo ako."

"Oh Lucienne! Kung may hihigit pa sa salitang love, that's what I feel for you. Because I love you so, so, so much!"

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now