Chapter 06

2.8K 123 12
                                    

Yana Echavez

Habang kasama ko ang kaibigan kong si Atasha dito sa bar counter ay may lumapit sa akin na guest. Hinarap ko siya at nginitian. Siya si Jesi, with long-brown hair. Anak ng isang sikat na komedyanteng artista at regular customer ko siya.

Labas-masok dito ang mga kilalang artista at malaya silang nakakagalaw dahil hindi naman sila pinapansin ng ibang guest. Kung tutuusin mas pinagkakaguluhan dito ang mga sikat na personalities sa larangan ng negosyo at sports. "What can I get for you tonight, Jesi?"

"Oh hi, Yana." Masigla nitong saad. "....what is your special tonight?"

"Well, as you know, everything is special here. Do you want me to prepare you The Midnight Martini? It's a classic with a twist that will definitely satisfy your taste buds."

"You always have a way of making customers feel extraordinary, Yana. Alright, please make it a special drink for me. I'm just feeling really happy, you know."

"Do I hear a celebration, Jesi?" tanong ko.

"I just got a major role in an upcoming teleserye!!" saad niya, halos patili ang pagkakabigkas sa huling salita.

Pero hindi na nakakapagtaka, her dad has a lot of contacts with major film studios dahil kilala itong komedyante. Malamang ang daddy niya ang dahilan kung bakit niya nakuha ang major role sa teleserye. Kasi kung mapapanood ang pag-arte ni Jesi sa TV ay para bang walang kabuhay-buhay, minsan ko nang napanood ang acting niya at masasabi kong hindi niya kayang humatak ng emosyon ng tao. Tapos ngayon bida na siya? Goodluck!

"Wow, that's cool! Congratulations!" masayang bati ko sa kanya sa kabila ng mga sinabi ko sa isip ko kanina.

"Thanks, haluan mo na rin ng pagmamahal mo ang drinks ko, Yana." saad niya sabay kindat sa akin, pasimple nitong hinahaplos ang kamay ko na nakapatong sa counter top. Agad ko siyang ipinagtimpla para umiwas dahil nagiging touchy na siya.

Habang inaalog ko ang shaker, sinisiguro kong mabuti ang paghahalo ng mga sangkap. Hinaluan ko ito ng tamang dami ng alak, pampatamis, at iba pang ingredients na nagbibigay ng tamang lasa at kasiyahan para sa taong iinom nito.

"Here is your drink, enjoy!" Kinuha niya ito niyayaya niya akong sumayaw sa dance floor dahil classic party songs na ang kinakanta ni Wendy pero tumanggi ako.

"I'm not in the mood to dance, Jesi. Next time." Pilit ang mga ngiting ibinigay ko sa kanya at halata naman ang pagkadismaya niya saka ito umalis. Dala ang inumin niya ay sumayaw ito sa gitna ng dance floor kasama ang ibang guest.

"See?! May mga lumalandi naman sayo pero hindi mo kasi pinapansin."si Atasha.

"Hindi ko pinapatulan dahil hindi ko siya type, kahit na maganda siya, ayoko! Tsaka tingnan mo naman, tutuwad lang ng konti yon kita na ang biyak niya."

"Ewan ko sayo." Natatawa siya habang napapailing. Totoo namang may mga lumalapit sa akin na babae, pero ang hinahanap ko ay yong may pitik sa puso. Yong may spark!

Naiinip ako kaya umalis ako ng bar counter. Sumilip ako dito sa backbar at tiningnan kung kumusta si Lucienne sa paghuhugas. Napaka-choosy naman ng babaeng ito! Bagay naman kami kung tutuusin.

Pero kapag iba ang kumakausap sa kanya ay palagi siyang nakangiti, lalo na kay Ken ang Manager ng bar dahil lagi siyang binibiro nito. Umalis na lang ulit ako, mukhang wala naman akong mapapala sa paninilip ko rito.

"Yana, hindi pa ba napapadaan sina Jean dito?"

"Si Jean, hindi pa. Gusto mo bang papuntahin ko rito?"

"Aasarin lang ako non kapag pumunta rito 'yon. Sana naman dumaan din dito sina Jo at si Jill."

Ang hindi alam ni Atasha ay nag-message ako kay Jean. Sa lahat ng mga kaibigan ko itong si Jean ang pinakamadaling yayain, si Jill at Jo saka lang lilitaw ang mga iyon kapag may trouble pero kung happy-happy lang, huwag nang asahan. At wala pang isang oras ay dumating nga si Jean.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now