Chapter 16

2.3K 72 17
                                    

Lucienne Auroré Fejeros

The Palace Hotel
San Francisco, California



"Lucienne, I would like you to meet Kaycee and Andres Jimenez. They are siblings and also bar owners. Guys, this is Lucienne, my fiancée."

"Hi I'm glad to meet you."saad ni Andres, saka bumeso sa akin. May itsura ang lalakeng ito at hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Hi."maiksing bati ni Kaycee sa akin. Ngumiti din siya pero hindi kasing genuine ng ngiti ng kapatid niyang si Andres.

"Nice to meet you." saad ko sa kanila saka ko sila nginitian.

Naging maayos naman ang pag-uusap naming apat, maliban kay Kaycee na paminsan-minsan lang sumagot. At ang naging takbo ng usapan ay tungkol sa negosyo, pag-ibig, at ang magaganap na kasal. Magkadikit kami ni Yana, ang kamay niya ay nakayakap sa bewang ko.

"Alam mo Lucienne, tahimik lang itong si Yana. Pero minsan madaldal din 'to kapag nagsimula nang magsalita."natatawang saad ni Andres.

"I agree, iyan din ang napansin ko sa kanya."sagot ko at napatingin ako kay Yana, tinitigan din niya ako. Tumagal ang pagkakatitig naming dalawa at mukhang napansin ito ng magkapatid.

"Halatang in love na in love kayong dalawa. Kung magtitigan kayo ang lagkit."

Bigla naming iniwas ang tingin namin sa isa't isa nang magsalita ulit si Andres. Napangiti na lang kami sa kanila. Kung gaano ka-sayang kausap si Andres ay kabaliktaran naman kay Kaycee na tahimik lang. Halatang binabasa niya kami ni Yana, lalo na ako.

"Yana, halika saglit may ibibigay ako sayo para sa inyo ni Lucinne."

"Ano yon, Andress?"

"Basta, halika."

Bigla ko na lang naramdaman ang mainit na mga labi ni Yana sa pisngi ko. Madiin ang halik na iyon, saka siya tumayo.

"Sweetheart, saglit lang ha."

"O-okay."sagot ko.

Nagpunta sila sa bar counter naiwan naman kami ni Kaycee dito sa table. Nang bigla siyang magsalita.

"You know what? I've known Yana for a long time, pero nakakagulat na bigla siyang nagdecide na magpakasal. I remember when we were at the TCMC event, she told me that she's not dating anyone."

Akala ko hindi na magsasalita ang taong ito dahil buhat kanina ay halos tahimik lang siya. Hinihintay lang pala niya na maiwan kaming dalawa, at mukhang naghihinala siya sa biglaan kong pagsulpot sa buhay ni Yana.

"...Yana and I had a special bond. And we could do anything if we wanted to. Are you sure you love her?"

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, pero hindi ko na pinaglaanan pa iyon ng panahon para intindihin. Ang goal ko lang ay paniwalain silang lahat na mahal ko si Yana.

"It may seem sudden and unexpected, Kaycee. But love works its magic in mysterious ways. Life is full of surprises." sagot ko.

At nagsisimula na nga akong paniwalain ang mga taong may connection kay Yana. And Kaycee was left speechless. Pero hindi nakaligtas sa akin ang mga titig niya na para bang kinikilatis niya ako ng matindi.

Buti na lang bumalik na ang dalawa rito.

"Sweetheart, tignan mo, may regalo sa atin si Andres na luxury wine."si Yana. Ipinakita niya sa akin ang isang bote na kakaiba ang lagayan.

"Thank you, Andres." Nakangiting saad ko.

"Tamang tama iyan after ng kasal ninyo. Saan ba gaganapin ang honeymoon niyong dalawa?"

Honeymoon?! Nabigla ako sa sinabi niya, Pero hindi ko ipinahalata.

"Well, dito na lang kami mag-stay ng isang linggo para sa honeymoon namin. Di ba, sweetheart?"

"Ha?-----"saglit akong natulala. "....ah yeah! Kahit naman saan, ang mahalaga ay magkasama tayo."saad ko, yumakap ako sa braso ni Yana saka ako ngumiti sa kanila.

Ang hirap pala magpanggap na in love ako. Alam kong hindi natural ang pag-arte ko pero kay Andres mukhang pasado na ako, pero kay Kaycee ay masama ang tingin niya sa akin.

Pagbalik namin ng silid ay napasandal ako dito sa likod ng pintuan. Huminga ako ng malalim at saka pinakawalan din ang hangin na inipon ko sa dibdib ko.

"You okay?"

Napatingin ako kay Yana.

"Mukhang hindi naniniwala si Kaycee na mahal kita."

"Bakit naman?"

"Ramdam ko lang, at ang sabi niya sa akin wala ka raw dini-date na babae at may special bond daw kayong dalawa."

Nahintuan siya, natulala.

"Yana, okay ka lang?" tanong ko.

"Ha? O-oo naman. Huwag kang mastress kay Kaycee, matagal ko na kasing kilala yan at hindi yan naniniwalang magkaka-love life ako. Well, in reality wala naman talaga akong karelasyon dahil nagpapanggap lang tayong dalawa."

"You're right."


TO BE CONTINUED.

(Read the entire content in the form of a PDF. 👇)

__________________________________

This chapter is currently available for purchase 15.XX per chapter. (Gamitin ang code na YANAch16 sa title ng inyong email.)

✅️ For one-time-p*yment from chapter 16 to epilogue is 395.XX, code: YANAotp

✨️Note: Ongoing po ang story na ito, every update isesend ko po sa email niyo ang PDF copy once mag-avail kayo ng one-time-p*yment.

📱MOP:
•Gc*sh: 0976-022-0005 EL****R A.
•P*ypal (message me)

📩 Send your proof_of_p*yment here:
👉 johansenlatrel@gmail.com

Inclusions:
✅️PDF File, Paper size: A5
✅️3000 words per chapter.

⬆️Highest Ranks achieved as of Oct. 2023:
🏆#400 Love out of 248K stories
🏆#1 Barista out of 66 stories
🏆#2 Yana out of 146 stories
🏆#6 Bar out of 646 stories
🏆#8 Random out of 17.7K stories
🏆#116 Friendship out of 42.7K stories

THANK YOU FOR YOUR SUPPORT!




Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now