Chapter 27 🩷

2.8K 88 41
                                    

Lucienne Auroré Fejeros

"Lucienne, akala ko ba mahal mo pa ako?"si Bernard.

"Get off me!" Itinulak ko siya nang hawakan niya ulit ako.

"This is our chance!"pagpupumilit niya.

"Chance? Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Bernard? Ngayon lang sumiksik sa isip ko kung gaano ako katanga dahil nagtiwala ako sa pagmamahal mo. Ang tagal kong naghintay para ilayo mo ako sa poder nila, na iligtas mo ako pero what did you do? You acted like a coward. You didn't lift a finger to save me! And now you're saying it's a chance for us? Ang daming pagkakataon noon. If it weren't for Yana, you wouldn't even consider it, would you? She's right, you have no balls!

Napamaang siya sa mga sinabi ko. Galit ako, binuhay niya ang matinding galit sa puso ko.

"I'm sorry, Lucienne. Nagsisisi ako."

Pagtingin ko sa dalawa ay para bang mas mahalaga pa kay Divine ang presensya ni Yana kesa kay Bernard at kahit na ang mahalagang pagtitipon ay para bang naging ordinaryo na lang ito. Ganon ba siya kadesperada para agawin ulit ang nag-iisang tao na nagmamahal at nagmamalasakit sa akin?

"Gusto mo ba ng kapatawaran, Bernard?"

"Of course."

"Do me a favor."

"What is it?"

"Sabihin mo diyan sa malandi mong fiancée na layuan ang asawa ko!"

Hindi na naman siya makapaniwala sa sinabi ko. "Lucienne, listen to me. Hayaan natin siyang paibigin ni Yana at umalis na lang tayong dalawa-----"

Sinampal ko siya! Buong pwersa ang binigay kong sampal para maramdaman niya ang galit ako!

"Ngayon ko naiintindihan kung bakit ka inalis sa buhay ko! You are coward! Bagay kayo ni Divine, isang malandi at isang duwag!"

"Lucienne!" sigaw niya nang umalis ako.

Mabilis akong naglakad at pinuntahan si Yana. Hinila ko siya at itinulak si Divine, halatang nagulat sila pareho. "Huwag mong hahawakan ang asawa ko!" galit na saad ko kay Divine at tinapunan ko siya ng masamang tingin.

"Ikaw?! Ang kapal mo para diktahan ako!"sagot niya. Nagtagisan kami ng masamang tingin.

"I won't let you touch her again! Landiin mo na lahat huwag lang ang asawa ko, kundi magkakasubukan tayo!"  I showed her a different side of me, and I don't care if people stare! Sirang sira na ang buhay ko, kahit masira itong muli hindi ako papayag na mapunta sa kanya si Yana!

"How dare you!" Sasampalin niya ako pero agad akong iniwas ni Yana.

"Divine, stop it." si Bernard. Niyakap siya nito para ilayo, pero itinulak niya ito.

"Sige ipagtanggol mo yang katulong na yan, Bernard!"

"Stop it, don't humiliate Lucienne in front of others!"sagot ni Bernard.

"You want to go back to that maid, huh? If it weren't for Yana, baka pulubi na yan ngayon! Go ahead, go back to her! Because I don't need you anymore! This party is over, and there will be no wedding! Mas bagay ka sa katulong na kagaya niya!"

"Shut up! One more word from you, Divine. One more word from you!" nagbabanta ang tinig ni Bernard habang nakaduro ang daliri niya sa kanyang fiancée. Ngayon ko lang nakita na ipinagtanggol ako ng lalaking ito, but it's too late. Hindi ako namangha sa ginawa niya.

"I am not like you, Divine. Na sumasalo ng tira-tira!" saad ko na muli niyang ikinapikon.

"Anong sinabi mo?! Ang yabang mo! Baka nakakalimutan mo, katulong ka lang!"sigaw niya.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now