Chapter 02

4.1K 151 25
                                    

Yana Echavez

The bar finally closed for the day. It was already 5AM in the morning, at ang pagod ay ramdam ko sa aking buong katawan. Minsahe ko ang kaliwang balikat ko para maibsan konti ang kirot nito.

"Boss Yana, hindi ka pa ba uuwi?" tanong ng isang staff.

"Mauna na kayo. Ayaw gumising nong babae na nasa VIP room." saad ko. Ang mga tauhan ko ay nagsimula nang mag-impake ng kanilang mga gamit at isa-isa silang nagpaalam sa akin at umuwi na.

Habang nakatayo ako dito sa doorway ay napatingin ako sa babae na mahimbing na natutulog. Napaka-peaceful ng tulog niya na para bang sarili niyang silid ang tinutulugan. Wala ata siyang kamalay-malay sa trouble na idinulot niya sa akin. She was a stranger, someone who had stumbled into my bar, gotten drunk, at walang pangbayad-----anong klase!

I was left alone with this woman, at ni pangalan niya ay hindi ko alam, wala siyang pagakaka-kilanlan. Huminga ako ng malalim at sumandal sa frame ng pintuan. Napahalukikip ako ng mga kamay habang iniisip kung ano ang susunod kong gagawin. Naglakad ako palapit sa kanya, umupo ako dito sa center table at pinagmasdan siya. Sa kabila ng mga pangyayari, ang mukha niya ay hindi maipagkakailang maganda. Ang kanyang mapayapang ekspresyon habang natutulog ay tila nagtutugma sa kanyang nakatagong pagkatao. Sa mga sandaling ito ay kailangan ko nang gumawa ng desisyon.

Kung gigisingin ko ba siya at magdemand na i-settle ang kanyang bill o hayaan muna siyang matulog, and hoping that she would eventually wake up at panagutan ang kanyang ginawa?------Ito ang mga tanong na nagmamadali sa isipan ko habang patuloy akong nakatingin sa kanya.

Business is business. Hindi ako pwedeng maging mabait sa lahat. I had to balance between protecting my business and showing compassion towards someone who may be going through a difficult time. Ito ang kabuhayan ko, and every unpaid bill affected my business. Pero may pagtatalo din sa isip ko, and I couldn't help but feel a sense of empathy towards this woman. Marahil may mga dahilan siya sa kanyang mga kilos na hindi ko pa nauunawaan sa ngayon.

Sa ilang sandaling pag-iisip ay nakapag-decide na ako. I would let her sleep for now. In the meantime, iidlip muna ako kahit mga one hour lang para makabawi ng lakas. Humiga ako dito sa kabilang couch at natulog.

Paggising ko ay tulog pa ang babae kaya bumangon ako para gisingin siya. "Hey, wake up!"

Mukhang naalimpungatan siya nang marinig ang boses ko. Napakurap-kurap ito at nag-inat ng mga kamay. Tila kumportable siya sa kinahihigaan niya at nakikita ko ang payapang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Good morning! Did you sleep well?" tanong ko. Para siyang natauhan kaya napatingin siya sa buong paligid niya. Nagtataka siguro siya dahil hindi ito pamilyar sa kanya.

"Who are you?"tanong niya, nang unti-unting ay mukhang naging malinaw na sa kanya ang itsura ko. "Oh, it's you. Ikaw yong bartender kagabi, right?"

Umupo siya at inayos ang laylayan ng damit niya dahil nakalilis ito at naka-exposed ang mga hita niya, ang jacket ko na pinantakip sa legs niya kagabi ay nasa sahig na kaya pinulot ko.

"I'm the owner of this bar." seryosong sagot ko. Halata pa rin ang pagtataka niya at napatitig ito sa akin. "....do you remember what happened last night?"

"Yeah, I'm sorry kung nakatulog ako rito." Marahan ang mga kilos niya, ang mga hita ay magkadikit ang mga palad ay nakahawak sa mga tuhod niya. Pinagmasdan din nito ang kabuuan ng silid bago ito tumingin sa mga mata ko.

"It's not about that, Miss. Hindi ka nagsettle ng bill mo pagkatapos mong mag-order ng mamahaling cocktail drinks kagabi, ayusin mo agad ito and then you can leave."

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now