Chapter 38

2K 75 8
                                    


Lucienne Auroré Fejeros

Pumasok ang isang staff, may dala siyang pagkain. Ibinaba niya ang tray sa bedside table. Ang una kong napansin ay ang note na nakaipit sa ilalim ng mangkok. Kinuha ko at binasa.

'Forgive me, kung nagawa ko iyon. I love you, sweetheart.' - Yana.

Iniwan ko ang papel sa bedside table, at kinuha ko ang pagkain, inalalayan ako ng staff. Hindi umalis ang staff hanggat hindi ako natatapos sa pagkain ko. Kahit walang lasa ang mga pagkain ay pinipilit kong kainin para lumakas agad ako----para sa anak ko.

Every meal ay nakaka-tanggap ako ng message mula kay Yana sa maliit na papel.

Kaninang umaga.
'I missed you, sweetheart. Can we talk?'

Bandang tanghali.
'I love you, Lucienne. I'm sorry. Forgive me sweetheart.'

Ngayong gabi.
'Baka nilalamig ka, sweetheart. Nandito lang ako, just tell me kung gusto mo ng yayakap sayo. I love you!'

Ni isa sa mga sulat niya ay hindi ko binigyang kasagutan. Nakatulog ako na para bang ito ang pinakamasarap na tulog ko sa loob ng pitong buwan.

Kinabukasan ganon din. Nang maghatid ng pagkain ang nurse ay meron ulit nakalakip na sulat sa ilalim ng plato.

'I'm here, naghihintay na tawagin mo, sweetheart. Sana pansinin mo na ako, namimiss na kita.'

Naipon na ang mga sticky note sa ibabaw ng bedside table.

•••

"Hey, can we talk?" si Jean, sumilip siya sa pintuan. Nakakapagtaka na gusto niya akong makausap. Nakaupo ako dito sa ibabaw ng bed habang nakasandal ang likod ko sa malambot na unan.

Tumango ako. "Yes."

Pumasok siya dito sa silid at umupo sa single chair na katabi ng kama.

Huminga siya ng malalim bago nagbitaw ng salita. "I don't know how to start this, but I want you to listen."

"Ano bang sasabihin mo?" Nagtatakang tanong ko. Dahil sa totoo lang hindi ko siya inaasahan na lalapit sa akin para lang kausapin ako.

"Lucienne, I'm not the type of person who asks for forgiveness from others, kahit alam kong mali ako. Alam ng mga kaibigan ko ang ugali kong iyan, even Yana, alam niya yan. And no one can argue with my attitude, dahil naka-set sa mind ko na ako ang tama, that's me."

Hindi ko maintindihan kung ano ang pinupunto niya, pero nakikinig ako sa kanya. "Ano ba talaga ang gusto mong sabihin sa akin?"

"I can't remember the last time I apologized to someone maliban sa asawa ko. But I am here in front of you, asking for forgiveness."

Napakunot-noo ako, hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya. Ano bang nagawa niyang kasalanan sa akin? "I-I don't understand. Why are you asking for forgiveness from me?"

"Because I was the one who pushed Yana to seduce Divine. It was my idea, and if you think I am doing this for Yana's sake, No! Again, I'm not the type of person who does favors for others. But it's unfair na ibuntong mo lahat ng galit kay Yana, while I was the one who pushed her to do it."

Hindi ako nagbigay ng komento sa sinabi niya. Pero kapag naaalala ko ang eksena noong gabing iyon sa isla. Nasasaktan pa rin ako ng sobra.

"...we had no choice, Lucienne. It had been seven months since you disappeared. Nasisira na ang buhay ni Yana, limang beses ko siyang inilabas sa kulungan. We couldn't control her anymore, she was picking fights with everyone. At hindi ko kayang makita ang kaibigan ko sa ganong sitwasyon. We had a big fight nong huling beses ko siyang inilabas sa kulungan. I told her na kung hindi pa siya kikilos baka hindi ka na niya mahanap pa. Si Divine ang nagpakita ng matinding interes kay Yana, and Divine promised na hahanapin ka niya para papirmahan sayo yong divorce papers. It worked, kumagat si Divine sa pain."

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now