Chapter 12

2.6K 144 38
                                    

Lucienne Auroré Fejeros

When Yana asked me to be her pretend wife, I was completely shocked. Honestly, I was hesitant and nervous about taking on that role. Pretending to be someone's wife? It was way outside my comfort zone and kind of intimidating. But in the end, I decided to give Yana's proposal a chance, but only if she agreed to my conditions----buti na lang nagkasundo kaming dalawa.

"Lucienne, nagbago ang isip ko. Magpahinga ka muna ngayong araw, may mga pagkain diyan huwag kang magpagutom. Aalis ako, kakausapin ko ang kaibigan kong si Jill about sa construction ng bar. Huwag mong sunugin tong bahay kundi sa loob ng drum na kita ikukulong."

"Ang sama mo."saad ko.

Hinila niya ako saka hinalikan ang labi ko. Nagulat ako!

"Oh bakit para kang nakakita ng multo?"

"W-Why did you kiss me?!"

"Masanay ka na, kapag nasa harapan natin ang mga kaibigan ko sigurado akong pagdududahan tayo ng mga iyon. Tsaka kiss lang naman yan, eh. Ibibigay ko sayo bukas yong allowance mo."

Ginulo niya ang buhok ko na parang bata bago siya umalis. Napasandal ako dito sa pintuan. Dapat pala nilagay ko sa conditions na 'no kissing' kapag kaming dalawa lang ang magkasama----pero nakakahiya din naman kung maghahalikan kami sa harapan ng ibang tao? Nalilito ako sa set up namin.

Bumagsak ang mga balikat ko, pero ano pa bang magagawa ko? Bumalik ako dito sa silid para magpahinga.  Pero imbis na gawin iyon ay hindi ako mapakali, hawak ko ang labi ko habang pabaling-baling ng higa.

Ang tagal ko nang hindi nahahalikan. Tapos bigla akong hinalikan ni Yana! Kinuha ko ang unan at itinakip sa mukha ko, pilit kong kinalimutan ang halik na 'yon.

Kinapa-kapa ko ang malambot na higaan. Komportable talaga ang silid na ito. This was much better than living in the quarters maid. Wala akong privacy roon, samantalang dito sarili ko ang kwarto.

Dumaan ang araw na ito, wala akong ginawa kundi ang matulog. And it was one of the best sleeps I had ever had in the past few years.

The following day, maaga palang ay bumangon na ako para maglinis ng buong bahay at bakuran ni Yana. Abala ako sa pag-scrub ng sahig nang bumaba siya sa hagdan.

"What are you doing, Lucienne?"saad niya nang makita ako sa ganitong itsura.

"Nililinis ang sahig mo." sagot ko.

"Goodness, you are here to be my wife, not a maid. Baka pagpunta natin sa bahay ng lola ko ay bigla ka na lang maglinis doon. Stop that, may pumupunta rito para gawin yan."

Tumayo ako at niligpit ang mga gamit. "Nasanay kasi ako na walang tigil sa trabaho."

Huminto siya saka ako tinitigan. Paglapit niya ay hinahawakan niya ang magkabilang balikat ko, magkaharap kami. "Forget your past while you're with me, including the fire incident. I want you to focus on me."

Ang mga titig niya ay seryoso, yumuko ako dahil bigla akong nakaramdam ng pagkailang. "O-okay. So anong gagawin ko?"

"Magbihis ka, may pupuntahan tayo."

Sumunod ako sa utos niya. Naghanap ako ng maisusuot, buti na lang meron dito isang maluwag na t-shirt kaya itinupi ko ang mga manggas at ibinuhol ang tela sa likod para mag-fit sa akin saka ako kumuha ng maong shorts.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakatingala si Yana hanggang sa makababa ako ay nakatingin siya sa akin. "Bagay mo yan."

"Talaga?"napatingin ako sa suot ko.

"Uh-uhm. Let's go."

Dinala niya ako dito sa mall na malapit lang sa bahay niya. Pumasok kami dito sa boutique na walang tao maliban sa sales attendant. Agad na nagtingin si Yana ng damit na nakasabit sa display ng rack.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now