Chapter 32

2.3K 60 17
                                    

Lucienne Auroré Fejeros

Three days later.
Manila, Philippines

BIGLAAN ang pag-uwi namin from San Francisco, California at pagkarating na pagkarating namin dito sa bahay sa Manila ay inasikaso agad ni Yana ang paghahanap kay Mom. Hindi niya ako isinama dahil kailangan ko muna daw magpahinga kahit ilang oras lang.

Natulog muna ako dahil ayokong ma-stress ng sobra. I just hoped that when Yana came back, she would have good news.

Nagising ako ng bandang alas onse ng umaga. I didn't have much appetite, but I forced myself to eat, ininom ko rin ang mga gamot at supplements na nireseta sa akin ng fertility doctor nong nasa San Francisco pa kami.

Pero tinapat ako ng doctor, she told me that the chances of the embryo surviving in my uterus were small, lalo na dumaranas ako ng stress dahil sa pagkawala ni Mom. Ganon pa man, itinuloy ko ang medications na ibinigay nila sa akin. Nagbabakasakali pa rin ako.

And I feel sorry for Yana, she has sacrificed so much for me. She has spent a lot of money and effort, despite everything she never cimplains. Iniintindi pa rin niya ako sa kabila ng lahat.

Hindi na naman mapakali ang isip ko. May kutob ako kung sino ang may kagagawan nito. Naghintay ako ng ilang oras kay Yana pero hindi pa rin siya umuuwi kaya lumabas ako ng bahay at sumakay ng taxi, sinadya ko ang Fejeros ancestral house habang wala siya.

"Mam, pinagbawalan kayong pumasok sa loob."saad ng guard.

"Anak ako ng may -ari ng bahay na ito. Kung meron mang tao na may karapatang pumasok rito ay walang iba kundi ako!"

They couldn't stop me. Pumasok ako dito sa bahay at si Tita Rowena ang nakaharap ko. Seryoso siyang tumingin sa akin.

"Where's my mom?! Alam kong may kinalaman ka sa pagkawala niya!"

She slowly took a step closer, hanggang sa iisang dipa na lang ang pagitan naming dalawa. Nakahalukipkip ang mga kamay niya at taas noo niya akong tinitigan.

"You can't just come here, Lucienne, and accuse me like that. What do I have to gain from your mom? I can't benefit from her because she's already insane. I need you more because there's a lot of work to do in this house."

She smirked.

"You're lying. You're the only one who could have done this to Mom. Aren't you happy yet?"

She walked around me while observing me. Sinusundan ko siya ng tingin hanggang sa huminto siya.

"Oh, Lucienne. What if you go to the kitchen and clean there? Malay mo, matulungan pa kitang mahanap ang nanay mong baliw."

She laughs.

"Kidnapping ang ginagawa mo!" Nagsalubong ang aming mga tingin.

"Kidnapping? Do you have proof? No, you don't, right?"

Napakuyom ang mga kamay ko. "Hindi ka pa ba masaya, Tita Rowena? Nakuha mo na ang lahat sa amin. Huwag mo nang idamay si mom, kahit sayo na lahat ng kayaman ng pamilya ko, huwag mo lang siyang sasaktan at ibalik mo na siya sa akin."

Marahan siyang umiling-iling.  "Whatever I have right now, they truly belong to me. Do you understand?"

"If that's the case, hahanap ako ng patunay, at kapag nalaman kong may kinalaman ka sa pagkawala ng mommy ko. I will make sure you rot in jail!"

Before she could think of her next move, umalis na ako, at bumalik dito sa bahay. Naabutan ko si Yana na naghihintay sa may sala. Agad siyang tumayo at nilapitan ako.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now