Chapter 08

2.2K 111 11
                                    

Lucienne Auroré Fejeros

Habang naglilinis ako ng sahig, hindi ko mapigilang huminga ng malalim. The shift had been long and tiring, and I was looking forward to finally clocking out. After washing an endless pile of dishes, the last task of the day was cleaning the floor.

Pagod na pagod ako. The work was physically demanding, and yes, my body was crying out for rest. Ang mga braso ko ay masakit mula sa pag-scrub, ang mga paa ko ay namamanhid sa pagtayo, at ang likod ko ay kumikirot. Despite the exhaustion, I was okay. I was more than okay. I had done my job well for today, satisfied ako sa mga natapos kong gawain. Ang sahig ay malinis, kumikinang sa ilalim ng mga maliwanag na ilaw ng kusina.

Tinitigan ko ang aking nagawang trabaho, malinis, at sa tingin ko ay perpekto. I couldn't help but smile. Hindi palaging madali ang buhay, pero ang mga sandaling tulad nito ay nagpapaalala sa akin na sulit ang lahat. Ang pagod, pawis, sila ay bahagi ng buhay ko.

Nagpahinga ako saglit, huminga ng malalim at inunat ang likod ko.

Lumapit si Yana kaya nagpatuloy ako sa pagliligpit, ang ibang mga empleyado ay nagkukumpulan sa lobby, maingay, nagtatawanan habang nag-uusap at nagsisimula na silang mag-uwian. Hindi ako kumikibo dahil baka may kailangan lang si Yana kaya nandito pero napansin kong tumigil siya at sumandal sa edge ng lababo, naka-crossed arms. Ramdam kong pinapanood niya ako habang nililigpit ko ang ilang gamit na panglinis.

Medyo nakakailang pero hindi pa rin ako kumikibo. Mukhang hinintay niyang makauwi lahat ng mga kasamahan kong empleyado bago siya magsalita.

"I hope you don't mind me asking this, Lucienne." Tumigil ako sa ginagawa ko nang magsalita siya. "....what has Ken been telling you?"

Nagtaka ako sa tanong niya. "Si Sir Ken?"

"Uh-uhm, napapansin ko palagi siyang lumalapit sayo at kinakausap ka."

Mukhang nag-o-observe siya sa mga kilos ng bawat isa dito sa loob ng bar. Pero dapat ko bang sabihin pa sa kanya? Napatingin ako sa seryoso niyang mukha. Halatang naghihintay siya ng sagot ko. "Uhm, he said he would settle whatever debt I owe you and he will provide me an apartment."

"Did you accept his offer?"

"No."mabilis kong sagot, umiling ako.

"Mabuti naman na hindi mo tinanggap. He might not have told you that he's living with someone and they have a child. You might end up causing trouble in their relationship."

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng inis sa huling sinabi niya.

"Kahit hindi mo sabihin sa akin 'yan. I wouldn't accept any proposal from him. Kagaya ng alok mong date na tinanggihan ko."

Nagsalubong ang dalawa niyang kilay. Mukhang nainis din siya sa sinabi ko. Wala siyang imik na tumayo, pero hindi siya lumabas ng kusina. Kumuha siya ng kawali at tinitigan ako.

".....hey, a-anong gagawin mo?" Napaatras ako. Napikon ba siya sa sinabi ko? Siya naman ang nauna!

"Ano ba sa akala mo ang gagawin ko? Sa tingin mo ba pupukpukin kita ng kawali? Hindi pa ako siraulo!"

Natahimik ako at kinuha ang mop saka niligpit. Nagulat lang ako kasi akala ko hahampasin niya ako. Pero mukhang magluluto siya dahil kumuha siya ng mga ingredients sa loob ng ref. Saglit ko siyang pinanood, dahil ang lababo na nilinis ko ay kinalatan na naman niya! Pero wala naman akong magagawa.

Tinapos ko ang pagliligpit saka ko siya nilapitan, handa na rin akong pumunta sa silid ko pagkatapos nito. ".....Yana, pasensya ka na sa sinabi ko."

"Anong gusto mong isagot ko?" tanong niya habang nagluluto.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now