Chapter 36

1.8K 65 17
                                    

Yana Echavez

📍 Isla Cose Belle

Lucienne Auroré Fejeros.

Ang una kong naaninagan ay babae, na halos kasing tangkad ko, at dahil hindi gaanong maliwanag ang paligid ay hindi ko agad namukhaan. Pero nang papalapit na sila rito ay naging malinaw din sa akin----si Divine!

May nakasunod sa likod niya na matangkad na babae at hindi ako magkakamali-----si Yana! Ang asawa ko!

Nananaginip ba ako? Ang matagal kong panalangin na matagpuan ako ni Yana ay nangyari na.

"Yana!" sigaw ko. Tumakbo ako palapit sa kanya pero agad din akong nahintuan nang umiling siya. Napaatras ako bigla, nagtataka ako dahil bakit ayaw niya akong palapitin sa kanya. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatitig siya sa akin.

"Dito siya itinago ni Bernard, Yana." saad ni Divine.

"I see." Napaka-cold ng tinig niya, pati ang mga tingin niya ay para bang hindi niya ako kinikilala bilang asawa niya, anong nangyayari? Why Yana acting this way?

"So, how are you, Lucienne? We missed you, sis."

Hindi ko sinagot ang sinabi ni Divine.

"....did Bernard frequently visit you here?"

Pero nagpantig ang tenga ko nang banggitin niya ang pangalan ng lalakeng iyon. "What are you talking about, Divine? Hindi pumupunta si Bernard dito!"

"He told me na siya ang nagdala sayo rito. Pinilit ko siyang sabihin lahat at inamin niya sa akin na nagawa niya lang ito dahil mahal na mahal ka niya."

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga salita ni Divine. Isa lang ang gusto ko, ang mayakap ang asawa ko. Napatingin ako kay Yana. Hinihintay kong magsalita siya pero wala siyang imik.

"We came here because Yana wants you to sign the divorce papers."

"What?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Divine. At hindi ko maintindihan kung ano ang mga nangyayari.

Bakit kailangan akong hiwalayan ng asawa ko? Kaya ba niya ako hinanap hindi dahil gusto niya akong iligtas kundi gusto niyang pirmahan ko ang divorce papers?

Yong hilo na nararamdaman ko kanina ay lumala, para akong lumulutang sa ere. Pero hindi ako nagpatalo sa nararamdaman ko. Kailangan kong malaman ang totoo mula sa asawa ko.

".....totoo ba lahat ng sinabi niya, Yana? Answer me!" Tinitigan ko siya, gusto kong mabasa sa mga mata niya kung nagsisinungaling siya o hindi.

"Yes, Lucienne. Di ba usapan natin kapag namatay si lola ay terminated na ang kontrata natin?"

"W-Wala na si lola?" Nangulap bigla ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"After you left me, lola passed away the next day."

Nadurog ang puso ko dahil sa balitang iyon, matagal na palang patay si lola Esmeralda, gusto ko pa namang makita niya ang apo niya sa amin ni Yana. Pero ang lalong dumurog sa puso ko ay ang pag-aakala na pumunta si Yana rito para iligtas ako, hindi pala iyon ang dahilan niya kundi ang mapawalang-bisa ang kasal namin.

Pero gusto ko pa ring marinig niya ang side ko. "Yana, hindi ako umalis para iwanan ka. I left dahil kailangan kong puntahan si mommy."

I explained everything to her, that someone called me, that they had Mom but I was brought to this island at dito ko na rin nakita si mom.  Pero ang inaakala kong makukumbinsi ko siya sa mga paliwanag ko ay hindi nangyari, tumango lang siya. It seemed like she didn't care about me anymore.

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now