Chapter 10

2.4K 131 21
                                    

Yana Echavez

Huminga ako ng malalim iniisip kung saan ako magsisimula ulit, kung paano bumangon mula sa abo at magsimula ng panibagong yugto.

"This is a mess." si Jean. Kararating lang niya kasama niya si Jo at Jill. "....what the heck. Halos maging abo ang buong bar."

"What happened? Paano nagkaroon ng sunog?" si Jo.

Umiling ako at nagkibit balikat.

"I.......I don't know. Baka electrical wiring fault. Naghihintay pa ako ng report." sagot ko. Hindi ko na sinabi ang totoo na si Lucienne ang nakasunog ng halos kalahati ng establishment. Naging abo ang Cellar, pati ang opisina ko, ilan sa VIP rooms, ang kusina ay naapektuhan din pero hindi gaanong malala. Ang lobby, stage, ay hindi naapektuhan, pero ang kisame ay naging kulay itim dahil siguro sa usok.

"Hindi ba gumana ang sprinkler system sa cellar?" tanong ni Jill.

"I don't know. Pero hindi fire resistant ang mga materials sa cellar, purong kahoy ang loob non. At walang fire barriers ang pagitan ng cellar at ng stockroom, kaya siguro madaling gumapang ang apoy sa mga electrical wires sa ceiling."

Hinawakan ni Jill ang balikat ko at pinisil. "Pagsubok lang to, Yana. Kausapin mo ang insurance company to coordinate with Fuentes builder. I will help you rebuild this. Three weeks would be enough, kasama na ang pag-aayos ng mga permits at pagtibag ng mga pader."

Tumango ako. Nag-offer din ng tulong sina Jean at Jo. Nagpasalamat ako sa kanila, pagkatapos ay naging tahimik ulit ako, nakakaubos pala ng lakas habang tinitingnan ang pinagpaguran ko ng ilang taon tapos ganito lang kinahinatnan. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sitwasyon na ito.

Pagkatapos bisitahin ng mga kaibigan ko ang bar ay umuwi na sila. 24 hours kong pinagbantay ang dalawang guards at umalis na rin ako. 

Nagbyahe ako papuntang hospital at pagdating dito ay tinanong ko kung saan ang kwarto ni Lucienne. Itinuro sa akin ang direksyon at agad kong pinuntahan. Pagpasok ko ng kwarto ay mahibing ang tulog niya, may nakakabit na dextrose sa kanyang kamay.

Naghahalo ang galit at awa sa loob ko habang tinitingnan siya. Ang pagsalubong ng mga emosyon sa dibdib ko ay nagpapalabo sa aking isipan. Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sunog sa bar, at napakasakit nito para sa akin. Pero habang pinagmamasdan ko siyang nakahiga, walang malay, tila nawala sa akin ang kakayahang magdesisyon kung ano ang gagawin ko sa kanya.

Lumapit ako sa kama at dahan-dahang hinawakan ang kanyang kamay, may mga sugat siya. Binitawan ko ang kamay niya at lumabas ng silid. Kinausap ko ang doctor na tumingin sa kanya. "Doc, kumusta po ang lagay niya?"

"Marami siyang nalanghap na usok, may mga sugat siya sa daliri sanhi ng apoy. Buti na lang hindi malala at madali lang gamutin."

"Thank you, doc."

Pinuntahan ko lang siya para siguraduhing wala akong pananagutan sa kanya. At least alam kong nasa maayos siyang lagay. Aalis na sana ako pero naalala kong wala siyang kahit ano kaya bumalik ako ng silid niya, kumuha ako ng pera sa wallet ko at binuksan ang bedside drawer kung saan inilalagay ng mga pasyente ang kanilang mga personal na gamit.

Pagbukas ko ng drawer may isang larawan na nakalagay rito, kinuha ko at tiningnan. Isang babae ang nasa larawan, ang edad ay parang nasa early fifties at kahawig ni Lucienne. Ibinalik ko ito sa lagayan at nag-iwan din ako ng pera. 

Lumabas na ako at kinausap ang cashier. 

"Make sure na lalabas ang pasyente na walang babayaran. Call me kung may kailangan akong i-settle, okay?"

"Yes mam."saad ng staff. Iniwan ko ang business card ko at nagpaunang bayad na rin ako.

DUMAAN ang dalawang araw, mabilis kumilos ang Fuentes Builder. Naayos agad nila ang mga permits at ngayon ay tinitibag na nila ang mga pader na tinupok ng sunog. Nakakabit na rin sa harapan ang malaking signage na "Temporarily Closed".

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now