Chapter 05

2.9K 115 6
                                    


Yana Echavez

"Where have you been?" tanong ko nong makita ko si Lucienne, kabababa lang niya sa taxi. Nagbubukas naman ako ng maindoor ng bar kasama ang dalawang guard, pero hindi pa magsisimula ang operation dahil alas sinko pa lang ng hapon, may mga kailangan lang akong ihanda para sa pagbubukas mamayang 7PM.

"Galing ako sa bahay ng mga amo ko." sagot niya, may dala siyang paper bag at isa pang maliit na bag. Napataas ang mga kilay ko dahil hindi pa rin ako kumbinsido sa sinasabi niyang nangangamuhan lang siya.

Suot niya ang damit at sandals na ibinigay sa kanya ni Atasha. Ang kanyang suot ay nagpapalabas ng kanyang natural na ganda. At habang pinagmamasdan ko siya ay tila ba isa siyang bihira at mamahaling bato na maingat na hinulma. "You look absolutely stunning, Lucienne. Sigurado ka ba na hindi na magbabago ang isip mo na makipag-date sa akin? Hindi ka na mapapagod sa paghuhugas."

Napangiti siya, kahit ako ay napangiti dahil genuine at maganda ang ngiting ibinigay niya sa akin. Para bang himala ang reaksyon na iyon mula sa kanya. "Why? I mean, why do you want to go on a date with me, Yana?"

Napaisip din ako sa tanong niya.

"Well, there's just something about you that intrigues me. I want to get to know you better and discover your stories, Lucienne."

Marahan ang pagtango niya pero bandang huli ay nagkibit-balikat ito. "Pero----mas gusto kong maghugas ng mga baso."

Parang nag-flat line ang tibok ng puso ko, nawalan ito saglit ng pintig dahil sa sinabi niya. Buti pa ang baso kahit walang puso pinipili. At hindi man lang niya piliin ang mga salitang binibitawan niya. Ganon siya ka-straight forward magsalita?

".....and if you don't have anything else to say, I'll go to my room now. Aayusin ko pa itong mga gamit ko."

Napatingin ako sa mga dala niya. Kung tutuusin napaka-konti lang non, pero the way na hawakan niya ang bag niya ay tila valuable ang laman non. Nagpaalam na siya na papasok sa kanyang silid. Naiwan naman akong napapabuntong-hininga.

Wala pang limang minuto ay sinundan ko siya dito sa likod ng bar kung saan naroon ang silid niya, syempre hindi dapat ako susuko sa pangungulit. Kumatok ako dito sa pintuan ng silid niya, pagbukas ay sumilip ako para tingnan ang loob. "Pwede bang pumasok?"

"Of course. Pag-aari mo 'to kaya pwede mong gawin ang nais mo."

Malinis na ang loob. Pero walang anumang gamit kundi ang ang sofa na may punit ang leather at isang bintilador. "Okay ka lang ba rito? Nakakatulog ka ba ng maayos?"

"Uh-uhm. Mas tahimik rito kesa sa bahay ng mga amo ko."

"Ganon ba. Hintayin mo ako rito." saad ko. Lumabas ulit ako. Tinawag ko ang guardya at pinakuha ang mini ref sa isang VIP room at ipinalipat rito sa silid ni Lucienne, pati kurtina, isang maliit na table, at stool chair.

"Yana, bakit mo ginagawa 'to? Ayos lang ako kahit wala ang mga iyan."

Sinubukan niyang pigilan ang mga kamay ko habang buhat ko ang upuan. Ang mahigpit na pagpiga niya sa mga kamay ko ay naghahatid ng kakaibang init, dahilan para lalo akong ma-intrigue sa taong ito----at mahulog sa magaganda niyang mga mata.

"Para maging komportable ka. Kahit na may atraso ka sa akin, hindi naman ako masamang tao para parusahan ka ng matindi. Just let me do what I wanna do para guminhawa ang pakiramdam mo habang nandito ka sa poder ko."saad ko.

Napabitaw siya at umatras kaya ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Naglagay din ako ng bottled water dito sa loob ng mini ref. Kinuha ko rin ang kettle sa kitchen ng bar at dinala rito. "....hindi na ginagamit ito, kung gusto mong magkape magpainit ka na lang ng tubig, okay?"

Deeper Than A Deal (Yana Echavez) GXG ✔Where stories live. Discover now